MANILA, Philippines – Isang fashion designer, make-up artist, TV host, aktor, at entrepreneur si Fanny Serrano na isa sa itinuturing na Pioneers of Beauty sa Philippine showbiz. Ngayong Miyerkules (Nov. 9), kukumustahin ng Tunay na Buhay si Fanny.
Noong Setyembre, naging headline si Fanny nang mapabalitang nagka-minor stroke siya at isinugod sa ospital. Bagamat bahagyang naapektuhan daw ang kaniyang senses at motor skills, unti-unti na siyang lumalakas at gumagaling.
Makikipagkuwentuhan ang Tunay na Buhay guest host na si Susan Enriquez sa nag-iisang ‘TF’ o Tita Fanny Serrano ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.