Mommy D. at Jinkee shopping muna sa Amerika ang aatupagin?!

Jinkee at pamilya

MANILA, Philippines – Binigyan ng GMA Network ang eight-division world champion at Kapuso nitong si Sen. Manny Pacquiao ng isang welcome celebration pagkatapos niyang makabalik ng bansa kahapon.

Dumalo ang mga officer ng GMA kasama ang ilang special guests sa breakfast na inorganisa para kay Senator Pacquiao ng kanyang home network upang ipagdiwang ang pagkapanalo nito laban kay Jessie Vargas.

Kasama ng People’s Champ sa larawan sina GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable (una sa kaliwa), Solar Entertainment Chairman William Tieng (ikalawa sa kanan), at Solar Entertainment President and CEO Wilson Tieng (una sa kanan).

Ang kanyang pinakahuling laban na tinaguriang Resurgence: Pacquiao versus Vargas ay eksklusibong napanood sa Philippine free TV sa GMA noong November 6, at sa Solar Sports sa cable. 

Diretso agad ang boxing champion sa Senado at naiwan sa Amerika ang kanyang pamilya sa pangu­nguna nina Mommy Dio­ nisia and Jinkee. Malamang nagpaiwan sila para makapag-shopping.

Area at kusina parehong de kalibre!

Parehong Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang dalawang pelikulang  ipalabas sa selected theaters sa Metro Manila starting today – Area and Kusina.

Bida sa Area si AiAi delas Alas at ang Kusina ay comeback movie ni Juday after niyang manganak sa bunso nila ni Ryan Agoncillo.

Kakaiba ang Area at Kusina sa mga mainstream movie nina  AiAi at Juday na pareho nang nakasali sa ibang indie filmfest bago pa man ipalabas sa mga commercial theater.

Sa Area, nagka-edad na prostitute ang character ni AiAi na pinaghahanap ang anak sa Amerikanong naging costumer niya. Si Juday naman ay isang ina na ikinulong ang sarili sa kusina sa pagluluto para sa kanyang mga mahal sa buhay na naging dahilan para maging masalimuot ang buhay niya.

Parehong maganda at kakaiba ang kuwento. Pareho ring nagpakita ng kakaibang husay ang dalawang aktres sa kani-kanilang role.

Pagkamatay ni Sen. Bong, peke

Grabe nasa hospital na nga, pinatay pa si dating senador Bong Revilla kahapon.

Yup, sa social media.

Maayos na maayos na raw ang kalagayan ng da­ting senador na isinugod sa hospital kamakailan dahil sa sobrang pananakit ng ulo at pagsusuka.

Kahapon ay may inilabas ding medical certificate ang St. Lukes at nakasaad doon ang iba’t iba niyang karamdaman kasama ang sinasabing acute migraine at reactive hypertension.

So malinaw na hindi pa siya namatay ha.

Karylle abala sa Playground…

Sa November 11, Friday, 8:00 p.m. na ang ikalawang pagtatanghal ng matagumpay na concert series ni Karylle na pinamagatang A Different Kind Of Playground sa Teatrino in Promenade, Greenhills.

Hango sa pamagat ng kanyang current full-length studio album sa ilalim ng Polyeast Records, ang A Different Kind Of Playground ay isang musical spectacle kung saan ipapamalas ang kamanghamanghang talento ni Karylle bilang isa sa pinakamahuhusay na  singer at songwriter sa kasalukuyan.

Live na live niyang aawitin ang mga chart-topping at iconic OPM songs at pati na rin ang isang sampling ng mga homegrown favorites, party anthems, at stan­dard favorites at kasama na rin ang kanyang mga multi-platinum hits kabilang ang kanyang latest single na Balik Tanaw” na halaw sa kanyang pinakabagong CD.

Makakasama ni Karylle bilang kanyang mga espesyal na guest ang R&B King na si JayR, si Tatay Antonio ng pinag-uusapan at top-rating segment ng It’s Showtime’s na Tawag Ng Tanghalan, si Robin Nievera, at ang acclaimed na front-man ng bandang Sponge Cola at mister niyang si Yael Yuzon.

Para sa mga tiket tawagan ang Teatrino sa 721-2949 and/or 722-4501 local 116. Para sa karagdagang impormasyon sundan si Karylle sa Twitter at Instagram sa @anakarylle. 

                               

Show comments