Beking aktor madulas ang dila!

Ikalawa ngayon sa pinakainiiwasan at pinakakinatatakutang personalidad sa showbiz ang isang lantad nang beking aktor. Marami nang ilag na ilag sa kanya.

Ikalawa lang siya sa trono dahil ang una ay ang bansuting male personality na ang ikot na ng buhay ay ang upakan nang upakan sa social media ang halos lahat ng mga artista at pulitiko.

Matapang lang ang nasabing male personality dahil malayo ito, hindi puwedeng saktan ng mga taong pinakakain nito nang sobrang masasakit na salita, pero kapag nandito naman ang male personality ay para itong pagong na nakatago sa kanyang bahay.

Sa isang umpukan ay naging panghimagas si beking aktor. Madulas din kasi ang kanyang dila, masyado siyang takleso, pati mga bagay-bagay na dapat nang nakatago ay isinasambulat niya sa publiko.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Nakakatakot ang beking ‘yun! Nu’ng kunin nga siya ng production para sa isang maigsing role lang sa isang teleserye, e, aware ang mga artista na hindi siya dapat pagkatiwalaan.

“Of course, hindi ‘yun ipinararamdam sa kanya ng mga co-stars niya, bisita nga naman siya, kaya kailangan siyang respetuhin at tratuhin nang maayos.

“Pero alam ng mga nandu’n na nakakatakot siyang makakuwentuhan at maka-close, mahirap na nga naman, baka kasi ipagdadaldal na naman niya ‘yun!

“So, nagsimula at natapos ang guesting niya na parang wala lang, parang bumisita lang siya sa set, wala siyang puwedeng ikuwento dahil wala namang nakipag-close sa kanya,” kuwento ng impormante sa kanyang mga kasama.

Reaksiyon naman ng isa pang source, “Akalain mo ‘yun? Nu’ng sumali ‘yan sa isang talent search, e, ang dami-dami niyang pinopormahan! Pa-mhin talaga ang image niya, ‘yun pala, isa siyang sirena at hindi siyokoy!

“Ang dami-dami niyang napaniwala, ‘yun pala, e, isa siyang prinsesa at hindi naman prinsipe ng kanyang kaharian!”

Ubos!

Kontrobersyal na aktres huli sa aktong may ka-date na lolo

May nagtanong sa amin kung kaanu-ano ng isang dating nagpakontrobersiyal na aktres ang kasama niyang Chinese-looking guy sa isang five-star hotel.

Naunang dumating ang may edad nang lalaki, pagkatapos nang ilang minuto ay dumating naman ang aktres, may nahalata ang aming source habang nagdi-dinner sila.

“Parang may something sa kanila, mararamdaman naman kasi kung magkaibigan lang sila. Pero mas matanda pa sa daddy ni ____(pangalan ng kilalang aktres) ang ka-date niya.

“Parang anak na lang siya kundi man apo ng lalaki, pero mukhang mayaman ang guy, sa totoo lang,” kuwento ng aming source.

Magaling magdenay ang aktres, sa dami na ng kinasangkutan niyang kontrobersiya ay puro pagdedenay lang ang ginagawa niya, kahit tanungin pa natin ang mga pinsan niya.

Sen. Bong parang pinapalakol ang ulo pag inaatake

Nakita na namin nang ilang beses ang kundisyon ni Senador Bong Revilla kapag sumusumpong ang kanyang migraine. Halos hindi siya makadilat, nagluluha ang kanyang mga mata, mas masahol pa raw sa pinapalakol ang kanyang ulo dahil sa sobrang sakit.

May mga iniinom na siyang gamot, may pagkakataong sumasailalim din siya sa iba-ibang proseso na pinaniniwalaang nakagagamot ng migraine, pero hindi pa rin ‘yun nagiging epektibo para sa aktor-pulitiko.

Pinakamatindi ang huli niyang naramdaman dahil talagang ayaw mawala ang pananakit ng kanyang ulo na nauwi na sa kanyang pagsusuka at pag-shoot-up ng kanyang blood pressure.

Delikado ‘yun, kailangang bantayan ng mga doktor ang kanyang kundisyon, kaya isinugod siya sa St. Luke’s Hospital-Global.

Madalas naming marinig sa mga doktor na ang pinag-uugatan ng lahat ng sakit ay stress, walang gamot du’n, puro pampakalma lang ang gamot pero wala pang eksaktong naiimbentong panglunas sa stress.

Sana’y bumuti agad ang kalagayan ni Senador Bong Revilla, maraming nagmamahal sa kanya na nagdarasal na sana’y maging maayos na siya, bumalik na sana sa normal ang kanyang sitwasyon.

Show comments