^

PSN Showbiz

Pacman hindi tumanda ang galaw!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pacman hindi tumanda ang galaw!
Senator Manny Pacquiao

Congratulations kay Senator Manny Pacquiao na gumawa kahapon ng kasaysayan dahil siya ang kauna-unahang senador na nag-win ng boxing title.

Nameless as in hindi masyadong sikat si Jessie Vargas, ang kalaban ni Papa Manny pero nagkakaisa ang lahat na bongga ang bakbakan nila kahapon at isa ito sa pinakamagandang laro ng Pambansang Kamao.

Rejoicing ang mga Pilipino at ang buong bansa dahil sa tagumpay ni Papa Manny na walang kupas ang galing sa boxing, kahit 37 years old na siya.

Sa ipinakita ni Papa Manny sa laban nila ni Vargas, hindi pa siya dapat magretiro sa boxing dahil kayang-kaya pa niya na makipagsabayan sa mga boxer na mas bagets sa kanya.

Gen. Bato nanggulat sa Las Vegas

Hindi na maabot si PNP Chief Director Bato dela Rosa dahil ka-join siya sa Las Vegas entourage ni Papa Manny.

Sa true lang, nakakagulat si Papa Bato dahil para itong kabute na biglang sumusulpot mula sa kung saan. Walang nakakaalam na bumiyahe si Papa Bato sa Las Vegas kaya nasorpresa ang mga Pinoy nang makita siya sa boxing ring ng Thomas & Mack Center.

Kasama ni Papa Bato sa boxing ring si Miss Universe Pia Wurtzbach kaya na-realize ko ang common denominator nila ni Papa Manny. Pare-pareho sila na mula sa Mindanao na nakakaaliw isipin dahil namamayagpag sila, sa pangunguna ni President Rodrigo Duterte na taga-roon din.

Magpapahuli ba si Congressman Toby Tiangco na kasama rin sa entourage ni Papa Manny sa Las Vegas? In fairness, sinusuportahan ni Papa Toby ang lahat ng mga laban ni Papa Manny.

Pacquiao labing-anim ang tahi kaya ‘di na naka-presscon

Hindi na umapir si Papa Manny sa post-fight presscon dahil tinahi ang sugat na nakuha niya sa last round ng bakbakan nila ni Vargas.

Ang sey ng Top Rank promoter na si Bob Arum, sixteen stitches ang sugat ni Papa Manny. Pangit pakinggan pero mabuti na lang, last round na nang masugatan ang Pambansang Kamao or else, mahirap panoorin na lumalaban siya habang tumutulo ang dugo katulad ng nangyari kay Vargas na napuruhan ng suntok niya.

Dusa talaga ang maglaro ng boxing dahil literal na pawis at dugo ang puhunan ng mga boksingero.

Mga Pinoy umeeksena sa international scene

Sunud-sunod ang good news tungkol sa mga kababayan natin na gumawa ng ingay sa international scene.

Bukod sa panalo ni Papa Manny sa boxing noong April 2016 at kahapon, nanalo ng Best Actress trophy sa Cannes International Film Festival si Jaclyn Jose, win ng Miss International crown si Kylie Verzosa, itinanghal na Best Actor sa Tokyo International Film Festival si Paolo Ballesteros, Best Actress sa Hanoi International Film Festival si Hasmine Killip, at silver medalist sa 2016 Summer Olympics si Hidilyn Diaz kaya talagang namamayagpag sa international scene ang mga Pinoy.

Bong hindi pa alam kung kailan makakalabas ng hospital

Naka-confine pa rin sa ospital si Senator Bong Revilla pero hindi pa sigurado kung kailan siya ibabalik sa Camp Crame dahil maraming klase pa ng test ang gagawin sa kanya.

Isinugod si Bong sa ospital noong Sabado dahil sa pagsusuka at matinding pananakit ng ulo.

Ang kanyang misis na si Lani Mercado ang nagbabantay kay Bong sa ospital habang sumasailalim ito sa blood chemistry, gastroscopy, stress test, etc.

Dati nang may migraine si Bong at grabe kung atakehin siya kaya mabuti na rin na magkaroon siya ng complete physical check up.

SENATOR MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with