Raikko, Josh, Marco, Ashley, Jana, at Mitch lagi nang pasok sa trend ang mga outfit

MANILA, Philippines – Nagdagdag ng panibagong endorsers ang clothing line na Moose Gear sa kanilang growing list of Kapamilya endorsers.

Sinabi ng Moose Gear na pinili nila ang ilang Goin’ Bulilit stars na maging part ng kanilang family dahil sa kanilang promising talents, growing suporters, and notable visibility in the business today.

Kabilang na sa kanila ang Honesto star na si Raikko Matteo, We Will Survive star na si Josh de Guzman, at Nathaniel star na si Marco Masa sa nag-eendorso ng company’s male clothing line na Moose Gear.

Samantala, ang Florde­liza star naman na si Ashley Sarmiento, Dream Dad star na si Jana Agoncillo. at si Mitch Naco ay na-welcome na sa Moose Girl family.

Bukod pa rito, inilabas na rin ng brand ang kanilang 2016 Christmas Holiday collection na may sports shirts, long sleeves, at denims para sa Moose Gear at mga casual chambray dresses naman ang nakahilera para sa Moose Girl.

Ka-level na nila ngayon ang mga dating endorser ng Moose Gear at Moose Girl na sina Angelica Panganiban, Billy Crawford, Patrick Garcia, at Goin Bulilit stars na sina Nash Aguas, Mika dela Cruz, Makisig Morales, Sharlene San Pedro, at Jairus Aquino.

Kumbaga ka-rank na nila ngayon ang kapwa nila child stars na sina Andrea Brillantes, Cha Cha Canete, Xyriel Manabat, Yesha Camille, Zaijian Jaranilla, Bugoy Cariño, Harvey Bautista, at Izzy Canillo.

Ang Moose Gear and Moose Girl ay available in all SM department stores nationwide at available na rin ang kanilang Moose Gear and Moose Girls’ 2016 Holiday collection.

Show comments