MANILA, Philippines – Handang-handa na ang executives ng Till I Met You sa pagharap sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay sa maingay na love scene nina James Reid and Nadine Lustre. Kahapon ay nag-isyu ng official statement ang Kapamilya Network: “The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) earlier issued an invitation to the directors and producer of “Till I Met You” to a conference for them to explain some scenes to address certain viewer concerns. MTRCB posted the invitation online, which attracted social media discussion.
“Prior to the airing of the questioned episode last Oct 25, the producers, by way of self-regulation pursuant to MTRCB policy and practice, did send a letter to the MTRCB informing them that the episode will bear the classification of SPG (Strong Parental Guidance) because of the sensitive material involved.
“The intent of the episode to show certain sensitive scenes was to make viewers aware not only of the consequences of young and reckless love but also how impulsive acts of this kind of love occur in real life. There are lessons to be learned where decisions are made on impulse. We hope that the program will be appreciated in its entirety and some scenes not taken out of context.
“Rest assured that the program executives will participate in the conference requested for by the MTRCB on Nov 10.
Kusina ni Juday matitikman
Sa press screening ng Kusina noong Agosto, ipinagmalaki ng lead star na si Judy Ann Santos-Agoncillo ang naging epekto ng pelikulang ito sa kanya. “As you get older, naghahanap ka ng mga pelikula na magpapangiti sa puso mo…I’m so thankful na binuhay nitong Kusina ‘yung passion ko for acting,” sambit ng aktres na dalawang taong nagpahinga sa showbiz.
Para masabi ito ng isang mahusay na aktres ay nangangahulugan lamang na de-kalidad ang pelikulang ito na handog ng Viva Films at Cinematografica. Katunayan dito, naging nominado bilang Best Film sa Cinemalaya Film Festival.
Ang Kusina ay tungkol sa buhay ni Juanita na ginugol ang buong buhay sa pagluluto. Ito ay impluwensiya ng kanyang lola na siyang nag-alaga sa kanya nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak.
Hindi makakalimutan ni Juanita ang payo ng kanyang lola: “Kapag nagluluto ka, lagi mong iisipin kung sinong pinagluluto mo. Kapag nasagot mo na ‘yan, alam mo na kung anong lulutuin mo.”
Sa paglipas ng panahon, iba’t-ibang putahe ang inihahanda ni Juanita para sa kanyang ama, lola, asawa, mga anak, at mga kaibigan. Sa gitna ng lahat ng ito, makikita ang pagbabago ng kanyang relasyon sa bawat isa. Ngunit habang abala siyang busugin at pasayahin ang iba, napagbibigyan rin ba ni Juanita ang kanyang sariling kagustuhan?
Sa ilalim ng direksyon nina Cenon Palomares at David Corpus, ang Kusina ay base sa screenplay ni Palomares na nanalo ng grand prize sa 56th Don Carlos Palanca Memorial Awards in Literature noong 2006. Ang mga paboritong putaheng Pinoy, tulad ng pinakbet, sinigang, dinuguan, at adobo ay ilan lang sa mga tampok na pagkain sa pelikulang ito.
Lahat ng eksena ay makikita sa loob ng kusina kaya mahihikayat ang mga manonood na gamitin ang kanilang imahinasyon kung ano ang nangyayari sa mundo base sa mga kwento ng mga taong pumupunta kay Juanita.
Si Gloria Sevilla ang gumaganap na lola ni Juanita, samantalang si Joem Bascon ang asawa niyang si Péles, at si Luis Alandy ay si Alejandro, ang isa pang lalaki sa kanyang buhay.
Palabas na ang Kusina sa mga sinehan simula Nobyembre 9, 2016.