^

PSN Showbiz

Coco pinakamabenta pa rin

Pilipino Star Ngayon
Coco pinakamabenta pa rin
Coco Martin

MANILA, Philippines - ABS-CBN pa rin ang nanguna sa puso ng mga manonood noong Oktubre dahil mas pinanood ito ng maraming Pilipino sa bansa, sa pa­ngunguna ng FPJ’s Ang Probinsyano na nagtamo ng national TV rating na 37.4%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Samantala, sampu naman sa 12 na pinakatinutukang programa noong Oktubre ay mula sa ABS-CBN.

Pagdating sa balita at impormasyon, TV Patrol pa rin ang mas inaasahan sa nakuha nitong rating na 32.8%.

Sinubaybayan din ng mga manonood ang pagtupad ng pangarap ng aspiring boy band members sa Pinoy Boyband Superstar (30.7%). Hindi rin nagpahuli ang Wansapanataym (29.7%), at MMK at Home Sweetie Home (27.4%) na nagdala ng inspirasyon at saya tuwing weekend.

Kinapitan din ang matitinding eksena sa buhay nina Waldo (Jericho Rosales) at Aryan (Arci Muñoz) sa Magpahanggang Wakas na nagtamo ng national TV rating na 23.2%.

Pasok din sa Top 12 ang Minute to Win It (22.5%). Kasama rin sa listahan ang Goin’ Bulilit (26.2%) at TV Patrol Weekend (24.1%).

Mula araw hanggang gabi, mas maraming kabahayan ang sumubaybay sa mga programa ng ABS-CBN noong Oktubre. Pumalo ito sa national average audience share of 45%, o labing-isang puntos na lamang sa 34% ng GMA ayon pa sa Kantar.

Nanguna rin ang primetime block (6PM-12NN) ng ABS-CBN at nagtala ng national audience share na 47%.

Bukod naman sa primetime, tinutukan din ng mga manonood ang ABS-CBN sa iba pang bahagi ng araw. Wagi ang Kapamilya network sa morning block (6AM to 12NN) sa audience share nitong 40%; sa noontime block (12NN to 3PM) kung saan nagtamo ito ng 45%; at sa afternoon block (3PM to 6PM) sa 45%.

Bukod pa sa TV, inabangan din ng mga Pilipino ang mga programa ng ABS-CBN sa video-on-demand service nitong iWant TV. Noong Oktubre, pinakatinutukan ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7, Till I Met You, FPJ’s Ang Probinsyano, Doble Kara, The Greatest Love, at Magpahanggang Wakas.

Nanguna rin ang ABS-CBN sa Total Luzon sa average total day audience share na 40%; sa Total Visayas kung saan nakakuha ito ng 53%; at sa Total Balance Luzon kung saan pumalo ito ng 49%; at sa Metro Manila kung saan nagtamo ito ng 36%. (KC)

COCO MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with