Maganda ang ginawa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño-Seguerra sa pagbuo ng Golden Statue Assistance Program na tutulong i-promote ang entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film sa Oscars.
Para sa 89th Academy Awards, ang Ma’Rosa ni Jaclyn Jose sa direction ni Brillante Mendoza ang entry ng Pilipinas. Sabi ni Liza, malaking tulong ang magagawa kung mapapabilang sa nominee ang nabanggit na pelikula.
“An Oscar win helps to legitimize us as an important contributor of films sa buong mundo. Dahil dito, mahihikayat natin ang mga foreign production to invest on our local productions.
“Marami na tayong pelikulang napili bilang Philippine entry sa Oscars pero hanggang ngayon, hindi pa rin tayo pinapalad na makapasok sa Best Foreign Language Film category nito. Sa Hollywood kasi, kailangang ma-promote mismo ang film entry natin. Napakaraming bansa ang naglalaban-laban para makapasok kaya dapat matindi ang publicity and promotion na ginagawa para mapansin ang pelikula natin. That’s where FDCP aims to be able to give assistance.
“Ma’Rosa ang entry natin sa Oscars sa February. Malaki ang chance nating makapasok dahil nanalo ang ating batikang aktres na si Miss Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival bilang best actress. Maganda rin ang feedback na nare-receive natin from the international press. Nasasama ang Ma’Rosa sa top ten nominees so all we need to do is to just push even more. We believe na through our concerted efforts, we stand a chance in being nominated.”
Nabasa namin kay Direk Brillante Mendoza na ang KNK ang publicist ng Ma’Rosa at ang First Run ang US distributor ng movie. Sa suggestion na magpa-advertise sila sa ilang Hollywood magazines, sabi ni Direk Brillante, mahal magpa-advertise at hindi nila afford. Baka sa tulong ng FDCP magawa na ito ng Ma’Rosa.
Alden 2 araw lang sa Germany
Parang sa Hong Kong lang nagbiyahe si Alden Richards at hindi sa Germany dahil ilang araw lang siya roon. Umalis siya noong November 1 at ang sabi, kundi this Friday ay baka tomorrow morning ang balik ng bansa.
Bale dalawang araw lang ang buong pamamalagi niya sa Germany, siguro naman, nakapagbakasyon siya kahit papaano at nakunan ang mga eksena na kailangan para sa honeymoon episode ng Kalyeserye.
Ang rason ng mabilis na pagbabalik sa bansa ni Alden ay dahil bukas, may mall tour siya sa The District Imus Cavite to promote his Say It Again album from GMA Records. Sa Nov. 8, launching niya bilang endorser ng Oppo cellphone at may mga kasunod pa siyang appointment.
Mabuti may katulong si Alden sa pag-aasikaso sa construction ng Concha’s Restaurant niya na malapit sa Tomas Morato. Sabi ng nakausap namin, inihahabol sa December ang opening ng resto na pag nalamang si Alden ang may-ari, mas marami ang diners.
Jaclyn tuloy sa paghahamon
Ano kaya ang ibig sabihin ni Jaclyn Jose sa comment niya sa Instagram (IG) ni Andi Eigenmann na “Andi sa lahat ng Laban kasama mo ako. Walang kukuha kay Ellie like what I have said na May nanggaya, I will protect Ellie with my life. Wag na sana may manggugulo na nag papanggap.”
Wala pang reaction si Andi sa mga nangyayari at sa pagpapakilala ni Jake Ejercito kay Ellie sa parents niya. Pero mas mabuting tahimik muna siya para less issue at hayaan ang mom niyang si Jaclyn na mag-react.
Ang gustong malaman ng mga usisero at tsismosa ay kung napag-usapan na ba nina Jake at Andi ang visitation rights ni Jake? Kung ilang beses niyang dapat makita at makasama si Ellie sa isang buwan?
Barbie malalim ang galit kay Kiko
Parang ang lalim ng rason ng break-up nina Barbie Forteza at Kiko Estrada dahil ayaw pa ring pag-usapan ng aktres ang ex-boyfriend. Hindi lang yata tungkol sa narinig naming pagiging late ni Kiko tuwing lalabas sila ni Barbie ang rason.
Nang tinanong si Barbie kung friends sila ni Kiko, “mahirap maging friends” ang isinagot nito kay Lhar Santiago. Ano kaya ang nangyari sa dalawa sa three months ba nilang relasyon?
Samantala, tila malapit na ang bagong teleserye ni Barbie sa GMA-7 kung saan, apat na foreigners ang kapareha niya.
Akala namin kasama sa cast si Joshua Dionesio na inisip namin na balik-GMA-7 na after mag-guest sa Magpakailanman.