MANILA, Philippines – Naramdaman ang international delegates sa kakatapos na 20th Hair Olympics ng Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association o APHCA na ginanap sa SMX Mall of Asia ng kakaibang hospitality ng mga Pinoy.
Sa welcome party ay binigyan ng salu-salo ang mga opisyal at liderato ng member countries sa temang Pinoy na Pinoy.
Ang araw ay sinimulan ng Parade of Nations ng mga delegate kasama ang mga piling panauhin na sina Senador Bam Aquino, First Lady ng Pasay City Edna Calixto, dating Unang Ginang Ming Ramos, businessman Hans Sy at Sri Lankan Ambassador Aruni Ranaraja.
Iba’t ibang klaseng kategorya ang pinaglabanan ng mga magagaling na kalahok mula sa 15 member countries. Nagkaroon din ng napakagandang international show ang bansang Korea, China, Thailand, Japan at Pilipinas tampok ang kanilang native dances.
Nagkagulo ang lahat sa paglabas ng inaabangan na si Alden Richards na nagpaunlak ng awitin para sa mga bisita. Ang mga nagwagi sa bawat kategorya ay nakatanggap ng cash, medalya, sash at tropeyo. Ang over-all championship naman ay nasungkit ng Macau.
Tutok na sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) kasama ang host at APHCA president na si Ricky Reyes ngayong Sabado (November 5) 9-10am sa GMA News TV.