^

PSN Showbiz

Batang singer kalat na ang kabadingan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Palaging pinagdududahan ang gender ng isang bagets pang male personality. Kakambal ng pagkatupad ng kanyang mga pangarap ang pangangalampag ng marami sa kanyang kasarian.

Magaling siyang kumanta, marami siyang pinahahanga sa taas ng kanyang boses, birit kung birit kasi ang young male singer na ito.

Kuwento ng aming source, “’Yun na ang palaging ikinakapit sa kanya, nakakaawa naman ang bata, parang mas pinapansin pa ng marami ang mga galaw niya kesa sa ganda ng boses niya.

“Medyo nagtataka rin ang marami kung bakit ang palagi pa niyang kasama ngayon, e, ang male singer na matagal na ring questionable ang gender. Lalo tuloy pinagdududahan ang gender ng bagets.

“Sana lang, e, huwag siyang masyadong maapektuhan ng mga kuwentong umiikot tungkol sa kanya. Magpakatatag sana ang bagets, anyway, hindi naman nakakabawas sa galing niyang bumirit ang mga isyung ikinakapit sa kanya,” masimpatyang kuwento ng aming impormante.

Ayon naman sa isang source ay mismong mga kasabayan ng young male singer ang nagpapakalat ng kung anu-anong kuwento tungkol sa kanya. Spell I daw kasi ang mga ito dahil kilalang-kilala na siya at pinapalakpakan talaga ang kanyang talento.

“Hindi naman kasi ibang tao ang nagtsitsismis tungkol sa kanya, mga kasamahan din niya, kasi nga, ang ganda ng takbo ng singing career niya, samantalang ang iba, e, napag-iwanan na.

“Natural, ano pa nga ba ang dahilan nu’n kundi sobrang inggit? Wala na kasi silang mahanap na butas against the young male singer dahil magaling talaga siya, kaya wala na silang magagawa kundi ang manira na lang?

“Bakit, kung sakaling totoo ngang beki ang bagets singer, hindi na ba siya makabibirit? Kabawasan na ba ‘yun sa talent niya? Tantanan na nila ang bagets, ‘no!” madiin pang pagtatanggol ng source sa young male singer.

Ubos!

Mommy D. ramdam ang panalo ni Pacman!

Pagkatapos nang ilang linggo niyang training sa Los Angeles ay nasa Las Vegas na ngayon ang team ng Pambansang Kamao. Ilang tulog at gising na lang ay tututukan na ng buong mundo ang kanilang salpukan ni Jessie Vargas.

Linggo nang umaga dito sa atin, November 6, ay muling makikita ang mga kalye na parang boteng walang laman, kaunting sasakyan lang ang bumibiyahe, dahil nakatuon ang atensiyon ng ating mga kababayan sa muling pagpapamalas ng pamatay na suntok ni Senador Manny Pacquiao.

Napakapropesyonal ni Pacman, wala sa kanyang bokabularyo ang pagtatamad-tamaran, kapag kaila­ngan niyang tumakbo nang ilang kilometro sa malamig na kapaligiran ng Los Angeles ay walang pilitan niyang ginagawa.

Ang pababa-pataas ng kalye ng Griffith Park na tinatakbo niya tuwing umaga sa kanyang training ay dinadayo ng ating mga kababayang du’n na naninirahan. ‘Yun lang ang paraan para malapitan nila ang Pambansang Kamao, nagpaparetrato sila sa tabi ni Pacman, pista ang mga Pinoy na tagahanga ng boxer-senador.

Positibo ang inaasahan kay Pacman ng ating mga kababayan, ayaw magbitiw ng kanyang team para sa knockout, pero mas maraming mahiligin sa boksing ang nagsasabing hindi matatapos ang twelve rounds ng laban dahil siguradong pababagsakin ni Senador Pacquiao si Jessie Vargas.

Harinawang ganu’n nga ang ma­ngyayari, sana’y mapagtagumpayan ng Pambansang Kamao ang panibagong hamon na ito sa kanyang pagiging boksingero, kahit walang knockout ay dasal ng mga Pinoy na sana’y ang kanang kamay pa rin ni Pacman ang itataas sa buong mundo.

Sabi nga ni Mommy Dionisia, “Walang problema sa edad ni Manny! Bakit ako, 67 na ako ngayon, pero ang bilis at ang galing ko pa ring mag-dancing-dancing!”

Panalo!

MOMMY D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with