^

PSN Showbiz

Julia nawalan ng ningning ang career; Maxine Medina ang kapal ng make-up kaya napansin sa mall; MMFF 60 movies ang pagpipilian

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Julia nawalan ng ningning ang career; Maxine Medina ang kapal ng make-up kaya napansin sa mall; MMFF 60 movies ang pagpipilian
Julia Barretto

SEEN: Ang tweet ni Vice Ganda na noong Linggo lamang natapos ang shooting ng pelikula nila ni Coco Martin na balak isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 ang nagbigay ng idea sa mga tao na kabilang ang producer ng kanilang pelikula sa mga humiling sa MMFF Execom na bigyan ng extension ang deadline ng submission ng entries.

SCENE: Sa November 18 ang official announcement ng MMFF Execom sa walong pelikula na opisyal na kasali sa Metro Manila Film Festival 2016. Mahigit sa animnapu na pelikula na mainstream at indie ang natanggap ng MMFF Execom.

SEEN: Si Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina at ang kanyang bitplayer/model boyfriend na si Marx Topacio sa isang mall sa Quezon City. Napansin si Maxine ng mga maller dahil sa kanyang makapal na make-up.

SCENE: Doting father si Paolo Contis sa mga anak nila ng kanyang ex-wife na si Lian Paz nang bisitahin niya sa Cebu City ang dalawang bata.

SEEN: Mga artista ng ABS-CBN ang imbitado sa lighting ng giant Christmas tree ng Araneta Center sa November 4.

SCENE: Bumiyahe kahapon sa Vietnam si Ronwaldo Martin, ang younger brother ni Coco Martin, dahil dadalo siya sa Hanoi International Film Festival. Si Ronwaldo ang lead actor ng Pamilya Ordinaryo na official entry sa Hanoi International Film Festival.

SEEN: Ang panghihinayang kay Julia Barretto dahil nawalan ng ningning ang kanyang bituin at napag-iwanan na ng ibang mga young actress ng ABS-CBN ang showbiz career niya. #WhatWentWrong.

vuukle comment

JULIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with