MANILA, Philippines - Mangyayari na ang hinihintay ng mga masusugid na manonood ng ABS-CBN morning series na Be My Lady dahil nakatakda nang yayain ni Phil (Daniel Matsunaga) na magpakasal si Pinang (Erich Gonzales) ngayong Lunes (Oct 31).
Handa na ngang i-level up ni Phil ang kanilang relasyon at gagawin na ang pinakainaabangang proposal.
Ngayon ngang nakatakda na siyang maging parte ng pamilya Crisostomo, ano kaya ang mga pagsubok na haharapin nina Phil at Pinang? Patuloy kayang umayon sa kanila ang kapalaran?
Napapanood ang Be My Lady, 11:30 AM bago mag-It’s Showtime sa PrimeTanghali ng ABS-CBN.