TVplus, panalo ng Stevie Awards

MANILA, Philippines – Nagwagi ang ABS-CBN Corporation ng dalawang Stevie Awards sa katatapos na 2016 International Stevie Awards para sa kaunaunahang digital terrestrial television product sa bansa, ang ABS-CBN TVplus. 

Ang Stevie Awards ang pinakaprestihiyosong business awards na kumikilala sa positibong kontribusyon ng mga oraganisasyong pangkalakal at working professionals sa daigdig. Kabilang sa natamo ng ABS-CBN TVplus ay ang Silver International Stevie Award para sa Best in New Product – Media and Entertainment Category at Bronze International Stevie Award para sa Best in Marketing Campaign. 

Nitong nakaraang Mayo lamang, nagwagi ang ABS-CBN TVplus sa ikatlong Asia-Pacific Stevie Awards kung saan ang produktong nagbibigay ng malinaw na panonood ng telebisyon ay nagkamit ng Bronze Stevie for Best in New Pro­duct Innovation at Bronze Stevie for Best in Branded Development.

Kinikilala ang ABS-CBN TVplus bilang pinakamalaking pagbabago sa Philippine TV sa pagtransporma nito ng panonood ng Pilipino ng telebisyon. Mapapanood sa ABS-CBN TVplus ang free-to-air channels tulad ng ABS-CBN and ABS-CBN Sports +Action at apat na premium channels kasama na ang CineMo!, ang all-day movie channel, YeY!, isang all-day children’s entertainment channel, ang Knowledge Channel, na nag-eere ng curriculum-based programs, at DZMM Teleradyo, ang nangungunang AM radio station sa telebis­yon.

Sa ABS-CBN TVplus rin mapapanood ang KBO (Kapamilya Box Office), ang bagong prepaid pay-per-view service na nagpapalabas ng bagong pelikula, live events, teleserye marathons at iba pang espesyal na palabas.

Show comments