‘Robin Hood’ Mapasalamaton sa Sugbo!

CEBU, Philippines - Wala gihapon mahupas ang karisma ni Dingdong Dantes  sa masa  ug usa sa  nahimong basehan niini ang init nga paghangop sa mga tawo sa  action series niya sa GMA-7 nga Alyas Robin Hood.

Nitikang si  Dingdong dinhi sa Sugbo sa miaging adlaw uban ang iyang leading lady nga si Andrea Torres  ug gihugupan og maayo ang ilang mall show sa Gaisano Grand Fiesta Mall Tabunok.

Ang Cebu maoy unang lugar sa provincial tour sa Alyas Robin Hood human sila nakadawat og feedback nga gihangop pag-ayo sa mga Cebuano ang maong serye basi sa nigawas nga nationwide survey.

E-Group:   Kumusta na yung isyu na kinaharap mo noon, tungkol sa comparison ng  show mo sa  American television series na “Arrow”?

Dingdong: I would say that it was somehow positive publicity because what actually came out wasn’t what we expected it to be. Ang viewers makapagsabi, so hindi sya dapat husgahan. Yung lumabas yung  intriga, ginawa pa namin ang pilot episode, mas maganda na panoorin na lang.

E-Group :   Hanggang kailan sa ere ang Alyas Robin Hood?

Dingdong:  Hindi namin alam , depende kasi yan, may pagkakataon na ma-stretch yung story. It will tackle many things kasi. As of now, susundin namin yung 16 weeks. Hintayin na lang natin ang sunod na mangyayari , ang GMA lang ang makapagsabi. Sa ngayon, ginawa lang namin kung ano ang nasa script, basta ini-enjoy lang namin ang trabaho .

E-Group: Nakatutok ba sa isyu ng poverty  ang show na ito?

Dingdong:   In general, ito ang pangunahing problema sa panahon ngayon.  Dahil sa social media, madali nating malalaman ang sitwasyon ng ating paligid.  Malaking tulong ang Alyas Robin Hood, kasi magsisilbing platforms  sa mga iilang isyu.  Dahil sa show ,malalaman natin  kung paano natin respetohin ang kapwa tao.

E-Group: Anong action scenes  na nagbigay ka ng todo effort?

Dingdong: Marami, yung opening pa lang, effort na talaga agad. Yung isang eksena, isang oras naming ginagawa, pero 30 seconds lang yan lalabas sa TV. Gusto lang talaga namin, na makikita talaga ang mga eksena na hinahanap ang ma-satisfy ang  mga nanonood.

E-Group:   Ngayong isang ama ka na, may nag-iba na ba sayo?

Dingdong:  Ngayon, nasa isip talaga, safety first.  Personalidad ko naman talaga na umiiwas sa gulo.  Leo yung zodiac sign ko, ibig sabihin, pasensyoso.

E-Group: Ano ang reaksyon ni Marian (Rivera) sa kissing scenes mo sa iyong  leading ladies sa Alyas Robin Hood, hindi ba siya nagseselos?

Dingdong:   Very supportive yung asawa ko, pareho kaming artista, so alam namin ang mga trabaho namin. Hindi siya nagseselos.

E-Group:  Nanood ba si Marian sa show?

Dingdong :   Manonood naman, minsan hindi, kasi usually 8:00pm na siya matulog.

E-Group: Sa  Alyas Robinhood , may special preparations ka ba na ginagawa?

Dingdong:  Wala naman masyado, seguro sa make-up, siyempre hindi makakalimotan yung internalization, kaya naiintindihan mo dapat ang story itself.

E-Group:  Kumusta yung ratings?

Dingdong:   Maganda naman yung takbo ng ratings, hindi lang talaga ako familiar sa figures, basta alam ko, maganda yung ratings namin  sa Luzon, at  sa Mega Manila. Dito naman sa Cebu, maganda naman yung takbo ng show namin.

E-Group : Bakit  Cebu ang unang lugar  na binibisita ninyo?

Dingdong:  A lot of the ratings came from Cebu.  It’s great that we get to do our first thanksgiving show here.

E-Group : May story noon, na ginawa ang Alyas Robinhood , dahil ito ang  lalaban sa Probinsyano sa ABS-CBN,  pero hindi naman nangyari, yan ba talaga ang original plan?

Dingdong:  Hindi naman,   kasi yung isang network, gumawa ng isang show ayon sa kagustohan ng mga manonood. Hindi namin iniisip ang mga bagay na yan na dapat  pantapat siya ibang show.  Yung gusto lang ng network na magbigay ng something new na maaliw yung viewers. Kahit anong oras siya ilagay, ang importante, magugustohan siya ng mga tawo.

E-Group: Ano yung upcoming projects mo?

Dingdong: Sa TV, ito lang muna  , hindi naman natin puwedeng pagsasabayin ang maraming bagay, alam mo na, dapat ding tayong magbigay ng oras sa pamilya natin. Merong upcoming movie, yung Unmarried Wife, kasama sila si Paulo Avelino at Angelica Panganiban, hindi ko pa alam  yung exact playdate.

Show comments