KC kinarir ang pagiging ate!
Ang ganda nang ginawa ni KC Concepcion na isama at ipakilala kay Sharon Cuneta ang half-sister niyang si Garie Concepcion. Maganda rin ang ginawa ni Sharon sa pagtanggap sa anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna at nagpa-picture pa kasama si KC.
Nangyari ang pagkikita nina Sharon at Garie noong second night ng concert ni Megastar sa The Theater ng Solaire Resort and Casino. Ang caption ni KC sa photo ay “Love conquers all. #SHARON #KCLovesFamily.”
May isa pang picture na ipinost ni KC kung saan magkasama sila nina Garie, Miguel, at Frankie Pangilinan na may caption na “When my 2 worlds collide. Welcome to my life.”
Marami ang pumuri sa ginawa ni KC dahil loving sister daw siya at best ate sa mga kapatid. Nagpasalamat din kay KC ang isang tita ni Garie “for being kind” sa pamangkin niya.
Kasama ring nanood ni KC sa concert ng ina ang BF niyang si Aly Borromeo at makikitang close ang BF kay Miguel dahil sa lap pa nito nakaupo ang bagets habang nanonood ng concert. Umaasa ang fans ni KC na si Aly na ang right guy for her.
Kristoffer at Joyce comfortable na sa pagiging mag-ex
Mamaya ang presscon ng Hahamakin Ang Lahat kaya may chance ang press friends ni Kristoffer Martin na ma-congratulate siya sa pananalong Best Actor in a Single Performance sa Star Awards para sa Mag-ama Sa Kulungan episode ng Magpakailanman.
Mahusay na aktor si Kristoffer at finally ay nare-recognize na ang talent nito.
Isa sa unang bumati kay Kristoffer ang ex-GF niyang si Joyce Ching na very proud sa aktor. Nag-tweet ito ng “Congratulations @flinsTUNS! Ex ko ‘to! Haha. Always and forever proud.” Sumagot si Kristoffer ng “Salamat Ex!”
Boyet hindi bitter sa poster nina Derek at Lovi
Sunud-sunod ang mall show nina Derek Ramsay at Lovi Poe para i-promote ang The Escort na showing sa November 2. Tanong lang ng fans, bakit hindi sumasama sa mall tour sina Christopher de Leon at Jean Garcia. Gusto rin nilang makita nang personal ang dalawang bida ng sexy movie ni direk Enzo Williams.
Tinanong pala namin si Lolit Solis, manager ni Boyet kung naayos na ang poster ng The Escort at kung kasama na ang picture ni Boyet sa poster. Sagot ni Lolit, umaasa siyang maihahabol ng Regal Films ang poster na kasama si Boyet dahil isa ito sa mga bida.
Lubos na matutuwa si Lolit kung tutuparin ang sinabi ng Regal Films na babaguhin ang poster. Hindi raw alam ng aktor ang kanyang reklamo kina Mother Lily at Roselle Monteverde at nalaman lang yata sa presscon ng movie.
Pero hindi ito bitter at nagko-cooperate siya sa media conference ng movie.
- Latest