Bilang paghahanda sa award ng Santo Papa, AiAi umayaw muna sa sex

AiAi delas Alas

Ara humihirit pa ng isang anak sa ex-bf 

PIK: Nagpagawa na ng gown si Jodi Sta. Maria kay Mark Bumgarner para sa isusuot niya sa pagdalo sa International Emmy Awards.

Apat lang pala silang nominado sa kategoryang Best Performance by an Actress na kung saan kalaban niya si Judi Dench ng isang serye sa United Kingdom, si Grazi Massafera ng Brazil, at Christiane Paul ng Germany.

Okay na raw kay Jodi na ma-nominate siya dahil makakasama niya roon ang mga kilalang international actors. Excited daw siyang makita sina Judi Dench at Dustin Hoffman, at okay na raw siyang maka-selfie ang mga ito.

Tinanong namin si Jolo kung sasamahan ba niya si Jodi sa pagdalo nito sa awards night sa New York. Umiiling ang Vice Gover­nor ng Cavite dahil marami raw siyang trabaho sa kanyang lalawigan, at sandali lang daw doon si Jodi.

PAK: Nag-i-enjoy si Ara Mina sa pag-aalaga sa kanyang baby na si Mandy na magdadalawang taon na raw.

Hindi na raw niya naisip na magkaroon ng panibagong relasyon dahil masaya na raw siya sa baby niya, sa trabaho at ang negosyo niyang Ara’s Secret na dumadami na raw ang mga order sa online.

Magkaibigan naman daw sila ng ama ng kanyang anak na si Bulacan Mayor Patrick Meneses at hindi naman ito nagkulang sa kanilang anak. Pero minsan ay naisip daw niyang magkaroon ng isa pang baby, dahil type daw niyang magka-baby boy. “Biniro ko nga one time si Patrick (Mayor Meneses), baka type niya mag-donate na lang siya sa akin. Hindi naman ako sinagot,” natatawang pahayag ni Ara nang nakapanayam namin sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH.

BOOM: Malaki ang nabago kay AiAi delas Alas nang ibinalita sa kanyang gagawaran siya ng Papal award na Pro Ecclesia et Pontifice.

Si AiAi ang pinili ni Bishop Antonio Tobias na ipadala sa Nunciature ni Pope Francis sa Vatican at ibinigay naman ito sa Comedy Queen.

Malaking hamon daw ito kay AiAi kaya may mga ilang mahahalagang bagay na kailangan daw niyang isakripisyo para hindi naman daw nakakahiya itong Papal award na ibibigay sa kanya.

“Marami din akong igi-give up,” pakli ni Aiai.

“Para sa akin ‘to eh. Sinabi na sa akin ‘to ni Dr. Erick (Santos) pero bago niya sabihin ginawa ko na ‘to para sa sarili ko na celibate ako hanggang sa ikasal kami ni Gerald,” sabi pa niya.

Mahirap daw ito para sa kanya at nag-react nga raw si Gerald, pero kailangan daw niyang gawin para may karapatan naman daw siyang gawaran ng naturang award mula sa Santo Papa.

“Dinesisyunan ko ‘to. Hindi ‘to desisyon nila. Desisyon ko para sa sarili ko para karapat-dapat ako sa paningin ng Panginoon.

 “Hindi naman ako perpekto marami akong pinagdaanan. Madami rin akong kasalanan.

Maraming binibigay ang simbahan ng pagpapatawad sa mga taong humihingi ng second chance,” dagdag na pahayag ni AiAi.

Show comments