Sa trailer pa lang, naglalagablab na ang mga eksena nina Derek Ramsay and Lovi Poe sa maintrigang erotic offering ng first team up nila, The Escort.
Yup, obvious na the new screen pair threw all cautions to the wind – sa bed, swimming pool and other odd places to satisfy each one’s desire for the other.
Isang ex-escort si Derek sa movie na idinirek ni Enzo Williams and showing na sa November 2. Inabandona siya ng ina nu’ng bata pa at pinagtaksilan ng babaeng minahal ilang araw bago sila ikasal. Dahil sa masaklap na karanasan, nangakong hindi na muling iibig si Xyruz (Derek) at lahat ng babaeng iibig sa kanya ay paglalaruan lamang niya.
Si Lovi naman si Yassi. Isang dalagang naatasang buhayin ang dalawang nakababatang kapatid mula nang mamatay ang mga magulang dahil sa aksidente.
Nang magkrus ang landas nina Xyruz at Yassi, nabuhay muli ang puso ng lalaki. Pilit nilalabanan ni Xyruz ang damdamin lalo na nga’t gusto niyang kuning female escort si Yassi sa kumpanya kung saan isa siyang senior.
Nakadama muli ng pagmamahal si Xyruz kay Yassi. Subalit kailangan niyang isakripisyo ang damdamin upang ihandog si Yassi sa mayamang real estate mogul na si Gary (Christopher de Leon). Handa namang handugan ng kayamanan ni Gary si Yassi kapalit ng pagkababae at pagmamahal.
Isasakripisyo ba nina Xyruz at Yassi ang kanilang pagmamahalan kapalit ng kaginhawaan sa buhay?
Ramdam ang sexual tension sa pagitan nina Derek and Lovi kaya hindi naging mahirap sa kanila ang bawat eksena. “Sobrang daming nagsasabi that we look good together, and we have good chemistry and again, that’s a great compliment to us. Kasi that’s what we’re trying to portray on screen,” sabi ni Derek sa presscon kahapon ng pelikula na ginanap sa 38 Valencia Events.
Kuwento ng actor nu’ng umpisa raw nag-aalala pa si Lovi sa mga eksena nila. Kaya kinausap niya ito at nangakong poprotektahan.
“At first, naka-dalawang protection sa chest pa siya.
“So, I talked to her, ‘okay ka lang? I guarantee you, you’ll be safe’. To the point na halos talagang wala na. And she was comfortable, everything was okay. Talagang I protected para hindi siya mabosohan.”
At inilahad pa ni Derek kung paano niya inalagaan ang boobsie ng kaparehang aktres.
“You just have to keep her chest pressed to yours especially kapag may transition na ng positioning, you’d grab her close to you and pwede mo nang iarte ‘yun, kunyari nanggigigil ka.”
Anyway, hindi lang sina Derek at Lovi ang may mga grabeng lampungan sa movie kundi maging sina Lovi at award winning actor na si Christopher de Leon.
Pero very classy ang execution ng mga maseselang eksena ng mga bida dahil kilala naman pagdating sa paggawa ng de kalidad na pelikula ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde.
Mapapanood ang The Escort starting November 2.
Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis