Maganda ang ginagawa ng It’s Showtime sa paggi-guest ng mga celebrity at kilalang personalidad tulad nina PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, Senators Sonny Angara, Dick Gordon at Joel Villanueva at mga showbiz personalities like Jamie Rivera. Sa ginawa nilang pag-appear sa show ay mas napalapit sila sa puso ng publiko at mas tumaas ang kanilang popularidad. Kaya lamang It’s Showtime should treat and give them the respect that they de`serve at hindi sila biro-biruin na parang ordinaryong mamamayan lamang.
Dawn, Heart, Jennylyn, Liza, Kim And Nadine bakbakan sa Best Actress
Pormal nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga opisyal na nominado para sa 30th PMPC Star Awards For Television.
Magtutunggali para sa Best Drama Actress sina Dawn Zulueta (You’re My Home, ABS-CBN 2); Heart Evangelista (Beautiful Strangers, GMA 7); Jennylyn Mercado (My Faithful Husband, GMA 7); Julia Montes (Doble Kara, ABS-CBN 2); Kim Chiu (The Story Of Us, ABS-CBN 2); Liza Soberano (Dolce Amore, ABS-CBN 2) at Nadine Lustre (On The Wings Of Love, ABS-CBN 2).
Sa Best Drama Actor ay sina Coco Martin (FPJ’s Ang Probinsyano, ABS-CBN 2); Dennis Trillo (My Faithful Husband, GMA 7); Enrique Gil (Dolce Amore, ABS-CBN 2); James Reid (On The Wings Of Love, ABS-CBN 2); Ken Chan (Destiny Rose, GMA 7); Richard Gomez (You’re My Home, ABS-CBN 2) at Xian Lim (The Story Of Us, ABS-CBN 2).
Ngayong taon, ipagkakaloob ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award kay Diamond Star Maricel Soriano at ang Excellence In Broadcas ting Lifetime Achievement Award ay tatanggapin ni Luchi Cruz Valdez.
Ang mga kumpirmadong hosts ay sina Luis Manzano, Robi Domingo, Alex Gonzaga at Jodi Sta. Maria, at bilang pagdiriwang ng ika-30 taon ng Star Awards For Television, magsasama-sama ang mga mahuhusay at sikat na performers sa entablado.
Mula sa pamunuan ng kasalukuyang pangulong Fernan de Guzman, ang 30th PMPC Star Awards For Television ay mula sa Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at sa direksyon ni Bert de Leon. Ang Gabi Ng Parangal ay gaganapin sa ika-23 ng Oktubre, 2016, sa Monet Grand Ballroom, Novotel Manila, 6:00pm. Mapapanood ang kabuuan ng programa sa ABS-CBN Sunday’s Best sa ika-20 ng Nobyembre, 2016.
Megan natuto nang umarte
Naka-jackpot si Dingdong Dantes sa bago niyang serye. Bagay ang role sa kanya although nag-i-expect ako ng kaunti pang pag-iingat sa parte niya para mapangatawanan niya ang kanyang disguise at hindi siya mahalata agad. Maganda ‘yung tandem nila ni Gio Alvarez. Sana mabigyan pa ng lalim ang friendship nila.
Saving grace ng programa ang presence nina Megan Young at Andrea Torres. Lalo na si Andrea na nagpakita na ng malaking pagkakaiba ng role nila ng dating Miss World. Dapat siyang papurihan na nagagawa niyang maiangat ang kanyang sarili kumpara sa isang international beauty title holder hindi lamang sa pagpapaseksi kundi maging sa pag-arte.