Bagong ‘teleserye’ inaabangan, ‘recording artist’ tetestigo
Parang isang bagong teleserye na mag-uumpisa ang senate hearing sa Martes dahil inaabangan ito ng madlang-bayan.
Sinabi kasi ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sisipot sa hearing ang mga drug lord na magsasalita umano sa tunay na kaugnayan nila kay Senator Leila de Lima.
Isa raw sa dadalo sa pagdinig sa Martes ang drug lord na recording artist na nagkaroon ng concert sa loob ng New Bilibid Prisons at nag-win ng award sa Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMCP).
Gladys hindi nalimutan ang puntod ni Direk Wenn
Nag-taping sa isang memorial park ang cast ng Oh, My Mama! noong Biyernes. Ang mga eksena nina Gladys Reyes at Epy Quizon ang kinunan at nang matapos ito, sama-sama sila na dumalaw sa puntod ng direktor na si Wenn Deramas.
Anak-anakan ni Wenn si Gladys dahil nagkasama sila noon sa mga teleserye. Kahit mga talent sila ng rival networks, matalik na magkaibigan ang dalawa.
Noong September 15 ang 50th birth anniversary ni Wenn na sumakabilang buhay noong nakaraang Pebrero. Hindi nakalimutan ni Gladys na bisitahin ang libingan ni Wenn, alayan ito ng dasal at batiin ng happy birthday.
For a change, mabait ang role ni Gladys sa Oh, My Mama!, ang afternoon soap ng GMA-7 na mapapanood simula bukas.
Sumikat si Gladys na kontrabida nang gawin nila ni Judy Ann Santos ang Mara Clara.
Mula noon, na-type cast si Gladys sa contravida roles pero knows ng mga tao na hindi siya salbahe sa tunay na buhay.
Kita n’yo naman, mula sa pagiging kontrabida, nakakatawid si Gladys sa mga mababait na karakter sa mga teleserye dahil tanggap na ng publiko na ibang-iba ang ugali niya.
In real life, mapagmahal na anak, kapatid, asawa at ina si Gladys kaya good karma siya. Never na nawawalan si Gladys ng mga television at film assignment. Active board member din siya ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at ng Iglesia Ni Cristo.
Isabelle pinahagulgol ang mga bisita
Nakakaiyak naman pala talaga ang wedding video nina Isabelle Daza at Adrien Semblat.
Less than seven minutes lang ang wedding video pero cry me a river ang mga nakapanood sa wedding vows ni Isabelle na dinamdam ang pagpanaw ng kanyang tatay na si Bong Daza.
Sinabi kasi ni Isabelle na “I felt like the weight of the world was on my shoulder and everybody kept saying have faith but it was so difficult when I lost my dad but I knew God still love me because he gave me you.”
Mapapanood sa wedding video ang pag-iyak ng lahat ng mga bisita habang sinasabi ni Isabelle kay Adrien ang kanyang wedding vows.
Pati ang bestfriend ni Isabelle na si Raymond Gutierrez, nakunan na nagpapahid ng luha at first time ‘yon na nakita na umiiyak ang twin brother ni Richard.
Hindi rin napigilan nina Anne Curtis, Jean Saburit, Georgina Wilson at ng mother of the bride na si Gloria Diaz ang mapaiyak sa tagos sa puso na speech ni Isabelle.
Ang ganda-ganda rin ng Lucignano, Tuscany, Italy na pinagdausan ng kasal nina Isabelle at Adrien.
Siyempre, marami ang kinilig sa pralala ni Adrien na “The first time I saw you, my heart whispered she’s the one.”
- Latest