Makalipas ang 20 taon: Kris nagpaalam na sa ABS-CBN
Pilipino Star Ngayon
September 12, 2016 | 12:53pm
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Kris Aquino ang kaniyang paglisan sa Kapamilya network makalipas ang dalawang dekada.
Nagpaliwanag ang “Queen of all media” sa kaniyang Instagram account kung saan sinabi niyang walang nang maibigay sa kaniya ang ABS-CBN ng timeslot mula nang magpahinga siya.
"Our agreement was we'd talk when I got back. That is the risk of taking time for yourself—when you come back there's no guarantee that a space will be held for you," nakasaad sa caption ng larawan.
"We spoke in July but there was no definite show (and) no assured time frame of my return on air. I perfectly understood—as much as I wanted to believe I was a pillar of the network, everybody is dispensable. And I say that with no bitterness - just HONESTY,” dagdag niya.
Sa ikalawang post niya ay hindi kinumpirma ni Kris kung totoo ang mga napaunang balita na lilipat siya sa GMA 7, ngunit nabanggit niya na nakipag-usap ang kaniyang manager at matalik na kaibigan na si Boy Abunda kay Tony Tuviera ng APT na nasa ilalim ng TAPE Inc. na may hawak din sa longest running noontime show na "Eat Bulaga."
Kinumpleto ng Adamson University ang Final Four cast matapos ilipad ang 68-55 panalo kontra minalas na University of the East sa knockout playoff ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.
Mula sa ikatlong puwesto ay umakyat ang four-time champions Baguio City sa No. 2 spot sa overall medal standings ng 16th Batang Pinoy National Championships kahapon dito sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex.
Nakatakdang magkaldagan ang Adamson University at University of the East sa knockout game para sa final four cast ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Lumundag ng bagong record si high jumper Franklin Catera ng Iloilo City, habang nagsimula nang humataw ang Pasig City sa overall medal race sa 16th Batang Pinoy National Championships kahapon dito sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex.
Kapwa nilangoy nina Arvin Naeem Taguinota II ng Pasig City at Sophia Rose Garra ng Malabon ang kanilang ikatlong gold medal sa swimming event ng 16th Batang Pinoy National Championships kahapon dito sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex.
Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!