Boyet at Dingdong magkakasubukan

Christopher de Leon

May special participation sa Alyas Robin Hood si Christopher de Leon bilang Jose de Jesus, ang ama ni Pepe na ginagampanan naman ni Dingdong Dantes.

Mga award-winning actor ang co-stars ni Ding­dong sa kanyang primetime teleserye na mag-uumpisa sa September 19.

Bukod kay Boyet, mapapanood sa Alyas Robin Hood sina Cherie Gil, Sid Lucero at Jaclyn Jose.

May konek sa isa’t-isa ang tatlo dahil pamangkin ni Cherie si Sid na stepson ni Jaclyn. Ang late actor na si Mark Gil ang fadir ni Sid at tatay ni Andi Eigenmann na anak ni Jaclyn.

Leading ladies ni Dingdong sa Alyas Robin Hood sina Andrea Torres at ang Miss World 2013 na si Megan Young.

Maritoni tahimik sa binaril na kapatid

Kinumpirma ni Maritoni Fernandez na namatay ang kanyang kapatid na babae pero hindi siya nagbigay ng kumpletong detalye.

Misteryo sa marami ang pagpanaw ng kapatid ni Maritoni dahil sa mga report na lumabas kahapon, natagpuan ang bangkay ni Ma. Aurora Moynihan sa Isang lugar sa Quezon City noong Sabado ng umaga.

May nakalagay sa bangkay ni Moynihan na placard na may nakalagay na “pusher ng mga celebrities kasunod na kayo.”

Hindi pa naglalabas ng official statement ang naulilang pamilya ni Moynihan kaya sinusubaybayan ng marami ang kaso.

May tsismis na kumalat na afraid ang mga showbiz personality na pinaghihinalaan na lulong sa mga ipinagbabawal na gamot dahil sa nangyari sa kapatid ni Maritoni.

Scared sila dahil sa banta na nakasulat sa cardboard na natagpuan sa walang buhay na katawan ni Moynihan.

May dahilan na matakot ang mga guilty dahil sa threat na sila na ang kasunod.

Paolo may new look sa bagong serye

Nagpapayat si Paolo Contis para sa policeman role niya sa Alyas Robin Hood, ang coming soon primetime teleserye ng GMA-7.

May-I-reinvent din ni Paolo ang kanyang physical appearance. Skinhead ang hairstyle niya ngayon para bumagay sa kanyang karakter. Mabait na pulis ang role ni Paolo sa Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ng kanyang bestfriend na si Dingdong Dantes.

Show comments