Matagal nang kilala sa pagiging mahusay na direktor si Olive Lamasan. Pero sa kabila ng matagal na siyang pagtatrabaho sa likod ng kamera at nakagawa na ng mga pelikula tulad ng Sana Maulit Muli, Milan, Starting Over Again, The Mistress, In The Name of Love, In My Life, Minsan Minahal Kita, Kay Tagal Kang Hinintay, Madrasta, Basta’t Kasama Kita, Maalaala Mo Kaya at ang pinakabagong Barcelona: A Love Untold ay nagbibigay pa rin ito ng kaba sa lahat ng artistang nakakatrabaho niya.
Very charming si direk. Hindi mayabang tulad ng impresyon sa kanya ng marami dahil sa sinasabi tungkol sa kanya ng mga artistang nahahawakan niya. Lahat sila ay nagsasabing tinatakot sila ng direktor para mapasunod sa kagustuhan niya. In the end, sinabi niyang respeto lamang sa kanya kung kaya nila siya sinusunod.
Malayo na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, mga bida sa Barcelona, sa mga kabataan na una niyang nakatrabaho sa Got To Believe. Ayaw niya na basta magpakilig lamang sila sa mga manonood. Gusto niyang maipakita ang maturity nila bilang mga alagad ng sining. Pinaarte niya ang dalawa at hindi naman siya nabigo. “Malaki ang transformation nila sa Barcelona. Magaling na sila, very gifted. Lalo na si Daniel whom I believe is the man to watch out for. Revelation silang dalawa ni Kathryn sa movie. Si DJ ang bagong Aga Muhlach ng henerasyong ito,” pag-amin ng direktora.
Sharon ipagyayabang sa concert ang kapayatan!
Magagawa nang maipagyabang ni Sharon Cuneta ang resulta ng kanyang pagpapapayat sa konsyerto na kanyang gagawin kasama ang mga minentoran niya sa The Voice Kids 3 sa The Theater ng Solaire this October 15 at 22. Magandang venue ito para itampok din niya at i-launch ang karera ni Frankie Pangilinan, kumakanta rin ang panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan.
Siguradong marami ang manonood sa Megastar hindi lang para makitang muli ang singer na matagal na nilang nami-miss kundi para makita rin ang ipinagmamalaki nitong sagot sa pagdidyeta niya na sinubaybayan ng lahat, pero ngayon lang makikita ang resulta.
Robin malabo nang magka-US visa
Sayang at hindi pa rin nabibigyan ng US visa si Robin Padilla dahil hindi niya masasaksihan ang pagsisilang ni Mariel Rodriguez-Padilla ng kanilang panganay na si Maria Isabella. Sa US ito manganganak kung saan naka-base ang kanyang pamilya. Sila ang makakasama ng TV host sa kanyang panganganak.
Janella at Elmo kinapos sa kilig
Siguradong gagawing batayan ng mga hindi tagahanga ng Janella Salvador at Elmo Magalona loveteam ang mabilis na pagtatapos ng Born For You. Kahit umabot pa ang serye sa one season na itinakda ng ABS-CBN ay ikakaso pa rin sa bagong pareha ang tila hindi nila matagumpay na unang pagtatambal.
Nakakalungkot din para sa ibang cast gaya nina Vina Morales, Ariel Rivera at Ayen Munji-Laurel dahil magaganda naman ang roles nila at okay naman ang mala-musical na serye. Saan nga kaya nagkamali ang JanElmo at Kapamilya?
Willie naghahanap ng mga beauty queen
Patuloy sa pag-iisip ang Wowowin ng mga bagong segment na magbibigay ng karagdagang interes sa masayang programa na maraming mahihirap at matatanda ang natutulungan.
Maglulunsad ang show ng isang pang-beauty contest na magtatampok hindi lamang sa mga magaganda kundi matatalino ring Pinay.
Kaya hindi lamang bilang tagapagtaguyod ng mahihirap nakilala ang show kundi bilang mabuti ring discoverer ng beauty and talent. Ang Win Factor ay isang magandang venue para sa mga may talentong Pinoy, lalaki man o babae. Dapat pakialaman ng host at producer rin siguro na si Willie Revillame ang mga isinasagawang pakontes ng show.
Ang daming pera na pinakakawalan na sana ay mapunta sa mga talagang nangangailangan at karapat-dapat.