Bisa ng magnesium sa katawan tampok sa GRR

MANILA, Philippines - Ang pinagkakaguluhan ngayon sa lahat ng sangay ng Gandang Ricky Reyes Salons ay ang mga serbisyong bukod sa nakakaganda ng kutis ay nakakatulong pa sa mga karamdaman tulad ng high blood, sakit sa puso, rayuma, diabetes at marami pang iba. Ipapakita ng host ng Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) na si Ricky Reyes ang kainaman ng Magnesium sa pamamagitan ng ‘healing facial treatment’ at ‘clean and cure’ therapeutic foot massage.

Pagdating sa talento hindi nagpapahuli ang mga Pinoy at hindi kataka-taka kung makasungkit ng mga medalya sa iba’t ibang larangan. Katulad na lamang ng kakatapos na World Championship of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa California kung saan ang ilan sa mga kababayan natin ang nagwagi at nag-uwi ng parangal sa lara­ngan ng pag-awit.

Tubig na dalisay at puno ng mine­ral na galing pa sa Japan, gawa sa makabagong teknolohiya ay narito na sa ating bansa. Ipapakila ang Omizo Beautifying Water na hindi lamang magbibigay sigla sa katawan dahil ito rin ay nagpapaganda ng kutis.  

Sa Showbiz Express, may bago na namang aabangan ang ating mga Kapuso. Isang kuwentong magpapaantig sa inyong mga puso at magdudulot ng kilig ang Someone to Watch Over Me sa GMA-7.

Lahat ng ito at iba pa sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado (September 3) 9-10 a.m. sa GMA NewsTV.

Show comments