Request ni Robin tinalo ni Bato

“Sa ilalim ng aming mga patakaran, ang contempt sa komite ay contempt sa House. Magsasampa kami ng kasong kriminal laban sa kanya dahil sa indirect contempt at maaaring magpalabas ng arrest warrant ang korte,” paliwanag pa ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas .
GEREMY PINTOLO

May listahan na umano ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga pangalan from showbiz na under surveillance ngayon. Ang masaklap nito ay kung dawit ang ilang ino­senteng personalidad na kasali sa listahan.

Hindi umano pabor ang PNP Chief na si Ronald “Bato” dela Rosa sa mungkahi ni Robin Padilla na huwag munang pangalanan ang mga taga-showbiz na nasasangkot sa ipinagbabawal na droga. Kapag ito’y nangyari, tiyak sira na ang pangalan at kredibilidad ng mga taong papangalanan.

Marami nang Kapamilya actors ang sumailalim sa voluntary drug testing na negotibo ang resulta pero marami pa rin sa kanila ay tahimik lamang tungkol sa issue.

Talamak na ang droga sa ating bansa at marami na ring mga taga-showbiz ang biktima nito.

DOT Sec. Wanda Teo problemado kay Steve

Ano kaya ang pakiramdam ng American comedian and TV host na si Steve Harvey na ayaw ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na siya ang mag-host sa Miss Universe pageant na gaganapin sa PIlipinas sa darating na Enero 30, 2017?

Umaasa si Tourism Sec. Wanda Teo na magbabago pa ang desisyon ni Pangulong Duterte tungkol kay Steve Harvey.

Tuluy na tuloy na ang Miss Universe na sa ikatlong pagkakataon ay gaganapin sa Pilipinas. Ang coronation night ay gaganapin sa SM MOA Arena on January 30, 2016 habang ang ilang pre-pageants ay sa iba’t ibang siyudad ng Pilipinas gaganapin at kasama na rito ang Davao, Cebu, Iloilo at Vigan, isa sa napiling New Seven Wonder Cities of the World.

Nangako si Sec. Teo na hindi gagastos ang gob­yerno sa pagma-mount ng Miss Universe sa Pilipinas kaya nangako ang negosyante at dating gover­nor ng Ilocos Sur na si G. Chavit Singson na ang pribadong sector ang sasagot ng $11-M na kakailanganin ng Miss Universe at marami nang mga kilalang negosyante ang nagbigay ng commitment.

Kris dedma sa bagong anak ni James

Hanggang ngayon pala ay hindi pa nakikita ni Bimby Aquino Yap ang kanyang baby brother na si Michael James, anak ni James Yap sa kanyang Italian GF na si Michela Cazzola na kamakailan lamang isinilang.

Matagal-tagal na ring hindi nagkikita ang mag-amang James at Bimby.

Kung matatandaan pa, nagkaroon noon ng problema si James kay Kris Aquino pero naayos ito at muling naging madalas ang pagkikita ng mag-amang James at Bimby. Pero lately ay mu­ling may gap ang dating mag-asawa  at hindi na rin pinapupunta ni Kris ang kanyang bunso sa ama nito.

Kung si James lamang daw ang masusunod, gustong-gusto nitong makita ni Bimby ang kanyang bunsong kapatid.

Samantala, masayang-masaya sina James at Michela sa kanilang bagong baby at hands-on umano ang dalawa sa pag-aalaga sa bata.

 

Show comments