PIK: Malapit na raw i-launch si Sunshine Dizon bilang bagong endorser ng Belo Medical Group. Hindi itinatanggi ni Sunshine na nagpa-lipo siya kaya payat-payatan ang beauty niya ngayon. Tamang-tama namang nairarampa ni Sunshine sa hearing ang ganda ng katawan kaya tuloy nag-suffer in comparison si Clarisma Sison na halos iisa ang komento ng netizens - nagmukhang baklita raw ito nang tumapat kay Sunshine.
Pagkatapos ng hearing kung saan nagkaharap silang tatlo, nag-post si Sunshine sa kanyang Instagram account na nagpa-treat siya sa BeloMed at nagpasalamat na rin sa comments ng followers niya. Bahagi ng caption sa post nito, “It’s a new day, wag tayo paapekto sa mga toxic at magpaganda na lang tayo.”
PAK: Ini-reveal ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na girl ang kanilang magiging baby. Ginawa nila ito sa isang gender reveal party na dinaluhan ng pamilya at close friends.
Sabi ni Mariel, ang unang hula raw nu’ng nagpa-check up sila ay boy ang ipinagbubuntis niya. Si Robin lang daw ang hindi convinced, dahil feeling niya talaga ay girl ito. Hanggang sa nu’ng huling check-up nga niya ay nalamang girl at masaya nilang ibinahagi ito sa lahat.
So bale, si Ali pa rin ang nag-iisang anak na lalaki ni Robin.
Naalala namin noon na nabanggit ni Kylie Padilla na parang mas type niyang girl ang kapatid niya sa kanyang Tita Mariel.
BOOM: Dumating pala dito sa Pilipinas ang Miss Universe Pia Wurztbach kamakailan lang dahil sumama siya sa grupo ng Miss Universe para makipag-coordinate sa pagsasagawa ng prestihiyosong beauty pageant sa bansa.
Isa nga raw si Pia sa nakipagkita sa dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson para ayusin ang lahat na detalye ng gagawing Miss Universe sa susunod na taon. “Part kasi siya ng Miss Universe eh,” pakli ni Manong Chavit nang tanungin namin tungkol sa pagkikita nila ni Pia Wurtzbach.
“Kaya interesado nga ang Miss Universe dito, dahil si Pia mag-turnover.
“Nakipag-coordinate naman siya. Kung ano ang ipinapagawa sa kanya ng Miss Universe, ginagawa niya,” sabi pa ni Manong Chavit.
Aware rin daw siya sa mga ikinakalat na kuwentong manggugulo ang mga terorista sa international beauty pageant.
Ang security nga raw ang isa sa napag-uusapan, at aware silang tuwing may malaking event na gagawin sa Pilipinas, may mga naglalabasang threat. “Ganyan naman ang mga threat ever since, ‘yung mga nangyari sa ating bansa.
“Ganyan din ‘yung ginawa nila sa Papal visit at ‘yung sa APEC, wala naman eh. Well, mag-iingat din ganun naman lahat ang threat nila eh. We have to be extra careful at nakipag-coordinate na tayo sa mga military at police,” pahayag ni Manong Chavit na siyang nangunguna sa pag-aayos ng Miss Universe 2016.