PIK: Itinuturing ni AiAi delas Alas na malaking blessings sa kanya ang paglipat sa GMA 7 dahil lalong gumanda ang career niya, at lalo pang dumami ang endorsement niya.
Ang isa pang ikinatuwa niya ay sobrang suportado ng endorsers niya ang mga project nitong may kinalaman sa pagtulong sa mga tao.
Kagaya nitong Hobe Bihon ng Centennial Food Corporation na kung saan nag-renew muli si AiAi ng isang taong kontrata bilang endorser.
Lahat na mga charity works nito ay suportado ng Hobe. Tuwing birthday nito ay pumupunta siya sa Missionaries of Charity ni Mother Teresa sa Tondo, Manila para magbigay ng tulong sa mga may sakit. Personal niyang inaalagaan, pinapaliguan, pinapakain ang mga matatandang may sakit. Mahigit 20 years na iyon ginagawa ng Comedy Queen.
Kahit nga sa shooting niya ay nagpapakain din siya sa mga taong nakatira sa lugar na pinagsusyutingan.
Kuwento ni AiAi, nung sinu-shoot nila ng anak niyan si Sancho ang pelikula niyang Area, nagpapakain sila sa Area sa may Angeles City kaya tuwang-tuwa ang mga tagaroon.
Aniya; “Dun kasi sa Area, hindi naman sila mayaman. So, ‘yung mga bata dun na gusto magmeryenda, pinapakain ko sila dun. Nagpi-feeding program kami dun ni Sancho, pinapakain namin ‘yung area. Nakakatuwa naman kasi full support si Mr. Bobby Co ng Hobe sa amin.”
PAK: Matagal ding natengga ang taping ng binubuong drama series ng ABS-CBN na The Promise of Forever dahil sa pagkaaksidente ni Paulo Avelino.
Naaksidente raw sa motor si Paulo, at ilang linggo rin siyang na-hospitalize at pinapagaling ang na-injure na paa.
Ngayon ay okay na raw ang Kapamilya actor, kaya bukas ay magri-resume na sila ng taping.
BOOM: Ang fans daw ni Cong. Alfred Vargas ang nairita sa kumalat na viral video ni Sen. Leila De Lima na kung saan napagkamalang si Herbert Colangco ang actor/politician na katabi ng senadora.
Nakarating daw kay Alfred ang reaksyon ng fans niya na bakit daw ikinumpara sa kanya si Colangco. Natawa na lang si Alfred, pero tinitiyak niyang siya raw iyong nasa video nang dumalo siya sa birthday party ng dating DOJ Secretary De Lima.
Bahagi ng statement na ipinadala niya sa press; “Let’s just be careful in making big assumptions like this and be more discerning in forwarding videos that come from unknown sources.”
Marami pa ring netizens ang naniniwalang si Colangco iyun, pero ipinagkibit-balikat na lamang ito ni Alfred. Pero sure siyang siya ang nasa video na iyun.