MANILA, Philippines – Wow! Grabe pa rin pala ang fans ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nang magpunta kasi kami sa Snacktacular 2016 event ng Oishi last Friday eh literal na nagwawala sa hiyawan ang mga kabataang nakapalibot sa Music Hall ng SM Mall of Asia. Kahit nu’ng binabanggit pa lang ang kanilang mga pangalaan ng nauna na sa stage na sina Slater Young, Ramon Bautista at Alex Gonzaga eh tiliian na ang kanilang fans. Nang lumabas at umakyat na sa stage ang napapabalitang magdyowa eh mas lalong lumakas ang hiyawan.
Sinubukan ng KathNiel ang iba’t ibang booth sa event na mas lalong pinalaki dahil 70 taon na ang Liwayway Marketing Corporation, ang kumpanya sa likod ng Oishi products. Nag-enjoy si Kathryn sa Slush C+ kung saan makakatikim ng Smart C+ slushee sa halagang P20. Si Daniel naman ay sa Make Your Own Oishi Snack booth nagpunta para gumawa ng sariling snack sa halagang P20 lang din. Sumunod na ginawa ng dalawa ay ang makipag-selfie sa iba pang Team-O members na sina Slater, Ramon at Alex sa Pack & Pose booth.
Ang iba pang booths ay ang Snack Catcher kung saan sa halagang P200 masusubukan maging “human catcher” ng sitsirya. Mayroon ding Cuckoo Blaster kung saan maaari kang maging “bibe” dahil nakasuot ng bibe outfit (Oishi mascot) habang sumasalo ng mga bola sa halagang P100. Ang isa pang pinilahan ay ang Snack Shack, dahil sa halagang P295 ay hakot all you want ang drama mo ng paboritong Oishi products sa loob ng 60 segundo. Ang nakakatuwa pa rito, sa animo’y isang malaking bag of chips ilalagay ang iyong nahakot na mga sitsirya.
May O-Twirl booth din kung saan maaaring ma-enjoy ang choco chug ice cream na may dalawang toppings sa halagang P20. At dahil nga sa 70 taong celebrasyon ng Liwayway, mayroon silang World of O, Wow booth kung saan makikita ang iba’t ibang sitsirya ng Oishi sa mga bansa sa Asya mula China, Vietnam, Myanmar, Indonesia, Thailand, Cambodia at India.
Naki-join din sa mga nagpunta sa last day ng event kahapon si Maine Mendoza na pinakabagong endorser ng Cracklings.