^

PSN Showbiz

Deadline sa MMFF ginawa nang October!

Rodel C. Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Na-move na pala ang deadline of submission ng mga pelikulang gustong isali sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Oktubre 31. Ito’y ayon kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Eugenio “Toto” Villareal nang mabanggit sa MOU (Memorandum of Understanding) sa pagitan ng NGCP (National Grid Corporation of the Philippines) at MTRCB last Thursday, May 16.

Bali-balita kasi sa showbiz na marami na halos ang nagba-backout sa pagsali sa pinakakilalang filmfest sa bansa tuwing Kapaskuhan dahil nga sa kanilang bagong rules at maagang deadline (September) of submission. Sa bagong rule, finished material na dapat as in buo na ang pelikula na isusumite ‘di tulad ng nakasanayan noon na script pa lamang ang ipinipresenta.

Since sa Oktubre na ang deadline, inaasahan ni Chairman Toto na magbabago ang isip ng mga nag-back out at mga gustong lumahok sa MMFF.

Anyway, ang partnership ng NGCP at MTR­CB ay para mas lalong mapalawig ng una ang kanilang adbokasiya tungkol sa transmission line safety and guarding against right-of-way (ROW).

Tutulungan ng MTRCB na maipalabas ang public service videos ng NGCP sa mga sinehan para mas marami ang makapanood nito.

Nasa larawan sina NGCP Board Director and Chief Administrative Officer, Mr. Anthony L. Almeda (kaliwa), at MTRCB Chairman Eugenio H. Villareal (kanan) matapos lagdaan ang MOU para mas mapalawig ang transmission line safety information campaign.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with