Enchong payag nang makipaglaplapan sa lalaki!

Enchong Dee

Sa halip na maagang makapagretiro sa kanyang pag-aartista ay siguradong mas magtatagal pa si Enchong Dee sa pagpayag nitong makipag-love scene at makipaglaplapan sa kapwa lalaki. Nagsimula ang pagiging daring ni Enchong sa I Love You To Death ng Regal Films kung saan may mga nakakakiliti silang eksena ni Kiray Celis. Ang aktor ang nagsilbing mentor ng aktres na hindi pa ganap na natatanggal ang shyness sa paggawa ng daring scenes.

First time ni Enchong na pumayag na makipaglaplapan at makipag-love scene sa sinumang makakasama niya sa pelikula, lalaki man ito o babae. Pero nang matanong kung kasabay ba nito ang pagpayag niyang maghubo’t hubad ay sinabi ng aktor na pinag-iisipan pa niya’t pinag-aaralan.

Sawa na siya sa pagganap ng role na boy next door at gusto nang mag-explore ng mga hindi pa niya nagagamapanang roles. Mukha namang umaayon sa kanya ang tadhana. 

Bukod sa pelikula, Orlando Sol may album na rin

Bukod sa patuloy niyang paglabas sa pelikula, kabilang si Orlando Sol sa cast ng isa sa anim na pelikulang kalahok sa ToFarm Film Festival na mapapanood sa SM North EDSA at SM Megamall mula Hulyo 13 hanggang 19 sa pagtataguyod ni direktor Maryo J. delos Reyes.

Kasama siya sa pelikulang Pilapil ni Jojo Nadela na nagtatampok din kina James Blanco at David Remo tungkol sa kahalagahan ng pagsasaka sa buhay ng mga Pilipino.

Bukod sa kanyang pag-aartista, may natapos ring solo album ang hunk aktor. Pinamagatang Emosyon ginawa niya ito para sa Star Records.

May mga album na rin siyang nai-record kasama ang grupo niyang mina-manage rin ni direk Maryo.

Sue in demand sa boys

Magaganda ang role na natatanggap ni Sue Ramirez mula sa Kapamilya Network, pinaka-maganda na ang pagiging third wheel nito kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Pangako Sa ‘Yo. Pero sa halip na makagalitan ng fans ay nagustuhan siya ng network at isinama sa Dolce Amore nina Liza Soberano at Enrique Gil. Mas komportable siya kina Liza at Enrique dahil bago ang serye ay nakatrabaho na niya ang dalawa.  

Unti-unting nababalita ang bagong artista dahil sa mga nagkakagusto sa kanya tulad nina Ronnie Alonte ng grupong #Hashtags at Alex Medina. Mas na-link siya sa singer dancer at sinasabing karelasyon niya bago pa sila nagkita’t nagkakilala. Pero ipinaliwanag ni Sue na magkaibigan lamang talaga sila.

Tommy at Miho bibida na rin

Sa wakas ay bibigyan na rin sina Tommy Esguerra at Miho Nishida ng isang serye na babagay sa kanila. Gagawin ito ng magkapareha matapos silang sumailalim sa mga pagsasanay at acting workshop. Ang serye ay sa ilalim ng RSB Drama Unit.

Gina kulang pa ang pagmamaldita

Sa halip na magmukhang kontrabida ay parang mas gumanda pa si Gina Alajar sa kanyang role bilang salbaheng tiyahin ni Louise delos Reyes sa Magkaibang Mundo. Malaki ang kabawasan nito sa kanyang pagmumukhang salbahe at malaki ring effort ang kailangan niyang ibigay para sa kumpetisyon nila ni Jaclyn Jose na sa pagkakapanalo bilang Best Actress ay hindi na inaasahan ng manonood na mag-i-effort pa para maipamalas ang kanyang husay sa pag-arte whereas Gina will have to make an effort para maalala ng manonood na bago siya naging magaling na direktor ay isa muna siyang magaling na artista na kinakailangang magmarka sa serye nina Louise at Juan Trivino.

Show comments