On June 12, 2017 ay magpu-forty years old na ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual na may isang anak, si Iñigo Pascual now 18 years old.
Sa isang panayam noon, sinabi ni Piolo na gusto niyang lumagay sa tahimik before he turns 40 o kung hindi man ay kung 18 na ang kanyang anak pero hanggang ngayon ay wala pa ring ibang babaeng nali-link sa actor matapos ang controversial break-up nila ni KC Concepcion in 2011. Na-link sandali si Piolo kay Shaina Magdayao pero hindi ito nagtagal.
Matupad kaya ang mga sinabi ni Piolo noon?
Pamilya nina Toni at Direk Paul ‘di na mapakali sa paglabas ng baby
Malapit nang maging brand new parents ang mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga.
Nasubaybayan ng publiko ang pagiging magnobyo nina Paul at Toni hanggang sa dumating sa kanilang engagement at pagpapakasal noong isang taon.
Last Sunday, June 12 ay nag-celebrate ng kanilang first wedding anniversary ang mag-asawa habang hinihintay naman nila ang paglabas ng kanilang unang baby.
Bukod sa mag-asawa, excited pareho ang respective families nina Paul at Toni sa kanilang baby dahil ito rin ang magiging unang apo ng magkabilang parte.
Showbiz couples na naghihiwalay nabibiktima ang mga anak
Na-settle na ng dating mag-asawang Derek Ramsay at Mary Christine Jolly ang kanilang differences na may kinalaman sa kaisa-isa nilang teenage son na si Austin. Pero ang actor namang si Cesar Montano ang may malaking problema dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita at nakakasama ang kanilang tatlong anak ng ex-wife niyang si Sunshine Cruz. May ongoing legal battle pa ang dating mag-asawa na may kinalaman sa custody ng mga bata.
Habang hindi pa nari-resolve ni Cesar ang problema nila ng dating misis, heto’t biglang sumabog ang “giyera” sa pagitan ng dating magkarelasyong Vina Morales at businessman na si Cedric Lee na may kinalaman sa kanilang 7-year-old daughter na si Ceana. Humingi si Vina ng mosyon sa korte na may kinalaman din sa kustudiya ng bata at may kontra demanda naman si Cedric sa dating karelasyon.
Nangyari rin ito noon sa mga anak ng dating mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto. Pero lumambot din si Claudine at bukas na si Raymart na dalawin at makasama ang dalawang bata na sina Sabina at Santino.
Sa aspetong ito, ang mga bata ang naiipit sa mga sigalot ng kanilang mga magulang na kung tutuusin ay walang kasalanan.