Subok na matatag para sa pamilyang Pilipino
MANILA, Philippines – Nakatanggap ng Eveready gift pack si Andrea de Leon (gitna) ng Pvhora, Pamplona, Las Piñas City mula sa mga kinatawan ng Eveready na sina (R-L, harap) MJ Tiquia, brand activation manager; Joseph Opeña, region sales manager; Martin Valenzuela, brand activation manager; (R-L, likod) Abet Alonzo, area sales supervisor; at (pangatlo) Alex Pambid, sales admin and training manager kamakailan.
Ito ay isinagawa para sa segment ng Eveready Sugod Sari-Sari store sa noontime show na Eat Bulaga. Ayon kay De Leon, “Ang Eveready ay subok na matatag. Makikita ito sa rami ng bumibili ng mga Eveready products sa aking tindahan. Eversince ito na ang gamit ng mga tao dahil reliable ito. Mabenta talaga at nakakatulong sa paglago ng aking sari-sari store,” dagdag pa niya na hihikayatin niya ang iba pa na gumamit at bumili nito lalo pa’t ang panahon ngayon ay paiba-iba.
Maganda nang maging laging handa para na rin sa kaligtasan ng buong pamilya.
- Latest