^

PSN Showbiz

Charice kay Alyssa humuhugot ng lakas!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Matatandaang i­namin ni Charice kung ano ang tunay niyang pagkatao ilang taon na ang nakalilipas.

Kahit may ilang bumatikos sa singer ay natanggap naman ng publiko ang kanyang naging pasya. “Dito po sa atin, ang words lang na naiintindihan nila ay bakla or tomboy. The rest are confusing. When I came out years ago, I said, opo, tomboy ako. Pero para po sa akin when I said that, feeling ko po kasi ‘yun lang ‘yung easiest way na mae-explain ko ang sarili ko sa tao,” bungad ni Charice.

Mula nang magkaroon ng malay ay nalaman daw kaagad ng singer ang kanyang tunay na nararamdaman. “Kung sasabihin po nilang ngayon ko lang napagdesisyunan lahat, na all of a sudden gusto kong tawagin akong man or he, hindi. Bata pa ako alam ko na sa sarili ko. Noong nagkaisip na ako, alam ko na ang gusto kong suotin. Tumitingin ako sa salamin, alam ko na po kung sino ako,” pagbabahagi ni Charice.

“So para mawala na po ang confusion, pero ang masasabi ko po, alam ko po sa sarili ko kung ano ang i-identify ko sa sarili ko, like what I said on Oprah, that my soul is a man. I’m not even scared to say that because I am confident that’s who I am,” giit pa niya.

Samantala, maayos ang takbo ng relasyon ni Charice at partner niyang si Alyssa Quijano. Ang dalaga raw ang nagsisilbing sandalan ni Charice kapag nakararamdam siya ng takot o kaba. “’Pag wala siya feeling ko mas hindi ako kumportable. So kapag kinakabahan ako, tinitingnan ko lang siya,” pagtatapos ni Charice.

Ayaw ng responsibilidad sa lalaki Miles ayaw isingit ang pakikipag-boyfriend

Kahit abala sa kanyang mga proyekto ay nagagawa pa rin ni Miles Ocampo na isabay ang kanyang pag-aaral ng kolehiyo. Kumukuha ng kursong Theater Arts ang aktres sa University of the Philippines. “For me, ‘yun ang pinakaimportante sa lahat na meron kang hawak-hawak na diploma. Mahirap siya talaga, kailangan talaga meron kang dedication. Kasi ever since bata pa ako, nag-artista six years old ako. Never akong nag-home study talaga. Kasi parang for me mas mahirap ‘yun kasi ikaw lang isa ang mag-aaral. ‘Pag tinamad ka wala, tinamad ka. Mas maganda pa rin na lumaki ka kung paano lumaki ang isang normal na bata,” paliwanag ni Miles.

Samantala, labingsiyam na taon na ngayon ang dalaga pero hindi pa nagkakaroon ng kasintahan. “Meron naman pong nanligaw sa akin at alam naman po ng parents ko. Kasi pumupunta po sa house pero personally ako rin po siguro ‘yung may ayaw pa talaga. ‘Yung thought lang na parang may work ka tapos nag-school ka tapos may isa ka pang responsibility na kailangan pang isipin, parang hindi ko pa siya kaya,” nakangiting pahayag ni Miles.

ACACIA HOTEL MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with