MANILA, Philippines – Muling nagtagumpay ang ABS-CBN Corporation sa katatapos lang na 3rd Asia Pacific Stevie Awards. Nakuha nito ang dalawang Bronze Stevie® Awards para sa ABS-CBN TVplus, ang kauna-unahang digital television service sa Pilipinas, para sa product innovation at sa pagiging una nitong klaseng serbisyo na para sa mamamayan.
Ang ABS-CBN TVplus ay nagwagi sa Best in New Product Innovation and Bronze Stevie for Best in Branded Development na mga kategorya.
Tinuturing pinakamalaking innovation sa Pilipinas ang ABS-CBN TVplus dahil sa kakaibang TV viewing experience nitong handog tulad ng ang malinaw na picture at tunog, at dagdag na premium channels para sa bawa’t miyembro ng pamilya. Ang ABS-CBN TVplus ay nag eere ng free-to-air channels tulad ng ABS-CBN at ABS-CBN Sports +Action at apat ng premium channels tulad ng CineMo!, ang kauna-unahang all-day movie channel sa Pilipinas, ang YeY!, ang kauna-unahang entertainment channel para sa bata, ang Knowledge Channel, na nagpapalabas ng programang base sa curriculum na pang edukasyon, at DZMM Teleradyo, ang television broadcast platform ng nangungunang AM radio station na DZMM Radyo Patrol 630, DZMM Teleradyo.
Ang serbisyong ito ay maaaring ma-enjoy kung saan mayroong digital signal transmission tulad ng Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, at Metro Cebu. Pinapalawak na rin ito sa Davao, Iloilo, Bacolod, at Cagayan de Oro.
Ang ABS-CBN ay kilala sa inobasyon at makikita ito sa mapapanood sa ABS-CBN TVplus tulad ng Funny Ka, Pare Ko ang kauna-unahang sit-com gag-show sa Pilipinas na ipinapalabas sa CineMo! channel. Pinagbibidahan ito nina Bayani Agbayani at Karla Estrada. Isa pang inobasyon ay ang Kapamilya Box Office, ang makabagong all-movie channel kung saan mapapanood ang latest Star Cinema movies, teleserye marathons at iba pang specials.
Ang ABS-CBN ay ang unang media and entertainment company na naghandog ng digital TV service sa bansa.
Bago pa man ang tagumpay na ito, nanalo na rin ang ABS-CBN mula sa iba’t ibang prestigious award giving bodies. Nakamit nito ang Anvil Award sa Special Events category sa 51st Anvil Awards para sa ABS-CBN TVpluslaunch, ang Quill Excellence Award for Marketing, Advertising, and Brand Communication sa 2015 Philippine Quill Awards, isang finalist status para sa Best in Marketing Campaign sa 2015 Asia-Pacific Spark Awards, at ang PANAta Marketing Effectiveness Award for Best Integration Thematic Program.