Nakakuwentuhan namin kamakailan si Mark Herras and in fairness, hindi nagbabago ang statement nito na after two years ay magpu-propose at pakakasalan niya ang GF na si Winwyn Marquez.
Masaya si Mark sa nagkasabay niyang dalawang show, lalo na sa Conan My Beautician dahil first time niyang nasa title role. Gumanap na siyang bading dati at marami siyang gay friends kaya hindi na siya nahirapang magpakabading. Sa June 26, 5:00 pm., ang pilot nito.
Tuwang-tuwa rin siyang makatrabaho sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili sa afternoon soap na Sa Piling Ni Nanay na June 27 naman ang airing. Drama naman ito sa direction ni Gil Tejada.
Anyway, magkasosyo sina Mark at Winwyn at ilang kaibigan sa food stall na tinawag nilang Wicked Carnival sa Nuvali. Maglalagay din sila ng food stall sa Lakewood School sa Alabang at Southville International School sa Las Piñas na alma mater ni Winwyn.
Si Mark na rin ang nag-deny sa tsikang baka lumipat sa ABS-CBN si Winwyn dahil nag-guest ito kasama sina Joey Marquez at mga kapatid sa Family Feud.
Ryza one month lang ang itinagal sa chef na BF
Hinanap namin kay Ryza Cenon ang akala naming boyfriend pa niyang chef sa opening ng art exhibit niyang Independencia: Ang Panimula sa Guevarra’s by Chef Laudico restaurant, pero ito. Iyun pala’y break na sila at one month lang tumagal ang kanilang relasyon.
Maayos naman daw ang kanilang break-up, pero ayaw na itong pag-usapan pa ni Ryza at gustong gayahin ang title ng exhibit na Panimula. Ang kasama ni Ryza sa opening ng exhibit at nag-cut din ng ribbon ay ang kanyang lola na siyang nag-alaga sa kanya.
Ipinakita ng owner ng Guevarra’s ang worth P80-K painting ni Ryza na kanilang binili. May customer ang resto na bumili rin ng painting ni Ryza, kaya bawas na ‘yung 24 paintings niya na naka-display.
Nag-live painting pala si Ryza, isang abstract painting na tinawag ng reporter na si Rommel Gonzales na Explosion. It only took Ryza seven to 10 minutes to finish the painting. Ang bilis ng kamay at isip nito sa pagpipinta.
Hopia gusto nang maging seryoso
Kabilang sa cast ng I Love You To Death ang Star Magic talent na nakilala noong bata bilang Hopia, pero kilala na ngayong Trina Legaspi. Kinailangan na niyang gamitin ang real name dahil 21 years old na siya at pang-comedy ang dati ng pangalan niyang Hopia.
Nag-a-adjust pa si Trina dahil nasanay sa dati niyang pangalan at aminado itong mas magandang makilala sa tunay niyang pangalan.
First movie ni Trina sa Regal Entertainment ang I Love You To Death bilang isa sa mean girls at aapi kay Kiray. Tiniyak nitong hindi magagalit sa kanya ang moviegoers dahil hindi siya sobrang masama rito.
Ang wish ni Trina, masundan pa ng ibang pelikula sa Regal ang ginawa niya.
Masaya ang pelikula pati na sa shooting at sigurado siyang ang mga manonood ng pelikula na showing sa July 6. Mula ito sa direction ni Miko Livelo.
John, EA, Dominic, Prince at Joey magbabaklaan sa pelikula!
Gagawin ng Viva Films ang pelikulang Working Beks to be directed by Chris Martinez. Original material daw ito na hindi inspired at hindi spoof. Hindi rin daw ito parody ng Working Girls.
Puro bading ang role ng cast kabilang sina John Lapus, Edgar Allan Guzman, Dominic Ochoa, Prince Stefan at Joey Paras. Ang ganda ng cast dahil may mga totoong beki, may pinaghihinalaang beki at may mga tunay na lalaki.
Sa post ni John sa social media, sinabi nitong maganda ang script ni direk Chris at bongga ang koneksyon ng limang karakter.