MANILA, Philippines - Wow ang yaman talaga ni Kris Aquino.
Siya pala ang biggest contributor sa campaign funds ni VP elect Leni Robredo ayon sa isinumite nitong SOCE (statement of contributions and expenditures) sa COMELEC.
Umabot sa P30.8 million ang donasyon ni Kris. Bukod pa ito sa personal niyang kinampanya at may advertisement pa sila ni VP Leni.
Tapos may pinagagawa pa siyang bahay sa isang exclusive village na sinasabing halos aabot daw sa P100 million ang halaga ayon sa mga kuwento-kuwento.
Eh wala siyang contract sa ABS-CBN ngayon.
‘Yun nga lang, tambak naman ang endorsements niya saka siguro ang dami niya namang naipon nung kainitan ng career niya plus kumita pa siya sa mga pelikulang prinoduced. Siyanga ‘di ba ang isa sa pinakamalaking taxpayer ng bansa.
Teka ano na nga kayang magiging career ni Kris ngayong wala pa siyang contract sa Kapamilya Network?
At magsalita kaya si Kris tungkol sa pagiging maka-Duterte ng asawa niyang si Vice Ganda ngayon?
O tanggap niya na baka nga raw ‘co-terminus’ naman ng kanyang Kuya P-Noy ang pagiging mag-asawa nila ng komedyante?
Susan gumastos ng P25 M sa Eleksiyon
Sa kampo naman ni Sen. Grace Poe, ang kanyang inang si Susan Roces ang may pinaka-malaking donasyon. Ayon sa mga report kahapon, umabot sa P25 million ang naibigay nito sa anak para sa kampanya.
Habang ang asawa niya palang negosyante na si Mr. Neil Llamanzares ay nag-donate ng P6 million.
TV Networks mas malaki ang pakinabang noong Eleksiyon
Sa laki ng gastos ng mga kumandidato, sino naman kaya sa ABS-CBN at GMA 7 ang mas malaki ang kinita?
Malaking bahagi ng gastos ng mga kumandidato sa pagka-presidente, bise presidente at senador ang napunta sa TV ads dahil base sa mga analysis, ang TV ang pinaka-malakas na medium sa kampanya.
Eh noong nakaraang eleksiyon grabe ang siraan sa social media, so talagang kinailangan ng mga kandidatong maglagay ng extra budget sa TV.
Dennis alam na ang strengths at weaknesses ni Jennylyn
Naniniwala si Dennis Trillo sa kasabihang love is sweeter the second time around kahit hindi nito diretsong inaamin kung ano nga bang muli ang relasyon nila ng award-winning actress na si Jennylyn Mercado.
“Pwede siyang totoo kasi siyempre mas kilala n’yo na ang isa’t isa tapos alam n’yo na ang differences n’yo at saka ‘yung mga strengths and weaknesses, ‘di ba? Siguro sa second time, mas okay na siya kapag susubukan n’yo ulit,” matipid na pagbabahagi ng Juan Happy Love Story aktor.
At nang kumustahin ang biyahe nila ni Jennylyn sa Maldives, maganda raw ang tubig at maraming isda.
At biglaan lang pala ang nasabing bakasyon ng nakabalikang ‘girlfriend.’ “Ano lang ‘yun. Parang naisipan lang,” pakli ni Dennis sa taping ng JHLS.
Bukod doon ay nag-diving at nag-water photography pa raw sila.
So gaano kabiglaan?
“Alam n’yo yun, minsan may pag uusapan kayo na biglaang plano na makikita mo sa picture na. Oh maganda diyan ha. Punta tayo diyan,” kuwento pa ng actor.
Nauna nang itinanggi ni Dennis ang napabalitang hiwalayan nila ng aktres.
Iya mang-e-engganyo ng hindi food lovers
Naniniwala ang San Miguel Pure Foods na maliban sa pagtangkilik ng mga pagkain sa labas, dapat dalhin ng mga foodie ang kanilang pagkahilig sa pagkain sa kani-kanilang kusina at gumawa ng sariling food experience.
Foodie ang tawag sa taong may interes o hilig sa pagkain.
Kaya naman ang Home Foodie ay naghahangad na magbigay inspirasyon sa home cooks na gumawa ng panibagong mga recipe mula sa traditional dishes gamit ang mga produkto ng San Miguel Pure Foods. At sa season 2 ng programa, hatid nito ang mga recipe na may kayang-kayang sarap —masarap, masustansya at madali—na kahit kitchen newbies ay kayang gawin.
May bago ring makakasama sina Drew Arellano at ang Home Foodie chefs -- ang maybahay ni Drew na si Iya Villania.
Sa Season 1, si Drew ang tinuturing na perfect host dahil bukod sa isa siyang true blue foodie, meron din siyang magandang karisma sa masa at nakakatuwang personality. Kaya naman, ipagpapatuloy ni Drew na magbigay inspirasyon sa mga manonood at mag-enjoy sa pagluluto sa kanilang mga kusina.
Si Iya naman ang magsisilbing inspirasyon ng mga maybahay at nanay na hindi lang maituturing na food lovers kundi foodies na gusto ring matuto ng bagong recipes para sa kanilang pamilya. Kasabay ni Iya, inaasahang mas marami pang kitchen newbies ang mae-engganyo na dagdagan ang kanilang kaalaman sa kusina—from beginner to intermediate cook.
Abangan sa Home Foodie ang iba’t ibang cooking adventure nila Drew and Iya kasabay ng kanilang pagbibigay solusyon sa ‘domestic struggles’ pagdating sa paghahanda at pagluluto ng pagkain para sa ating mga mahal sa buhay. Kumuha rin ng learning tips at techniques sa food preparation kasama ang mga eksperto mula sa San Miguel Pure Foods Culinary Center na pinangungunahan nina chefs Llena Tan-Arcenas, Rene Ruz and RJ Garcia.
Mapapanood na ang bagong season ng Home Foodie simula June 13, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Unang Hirit sa GMA7.