^

PSN Showbiz

Brillante Mendoza na-master na ang pagsali sa mga international filmfest

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sunud-sunod ang mga parangal ng natatanggap ng Pilipinas mula sa iba’t ibang international film festivals sa ibang bansa na ang pinakamaingay ay ang pagkakapanalo ni Jaclyn Jose ng Best Actress sa 69th Cannes International Film Festival.

Sa araw na ito ng Miyerkules, June 8 ay magkakaroon ng special screening ang pelikulang Taklub na idinirek ng award-winning director na si Brillante Mendoza sa Lanester, France. Ang nasabing pelikula ang nanalo ng Le Prix Chandrika Charma para sa 8th Festival International de Films Pecheurs du Monde (International Film Festival of Fishermen of the World) in Lorient, North-Western France. Ang naturang filmfest ay sinalihan ng 50 pelikula mula sa 18 bansa.

Ang pelikulang Taklub na ipinalabas noong isang taon ay tinatampukan nina Nora Aunor, Julio Diaz, Lou Veloso at Aaron Rivera. Ito’y nakapaglibot din sa iba’t ibang international film festival tulad ng ika-68th Cannes International Film Festival kung saan ito ginawaran ng commendation ng Ecunomical Jury nang ito’y mapasama sa Un Certain Regard section. Napasali rin ito sa Sarajevo Film Festvial, sa 9th Film and Arts Festival sa Poland, ang ika-15th T-Mobile New Horizons International Film Festival (Poland), sa ika-28th Helsinki International Film Festival, sa ika-20th Busan International Film Festival, 16th Asiatica Film Mediale at sa ika-15th Beirut International Film Festival.

Mukha yatang na-master na ni Direk Brillante Mendoza ang pagsali sa iba’t ibang film festivals sa iba’t ibang panig ng mundo.

John Regala pinauuso ang water bonsai plants

Ngayong araw ng Miyerkules, June 8 ang formal launching ng water bonsai organic root grower, ang bagong adbokasiya at negosyo na pinasok ng actor-environmentalist-turned-entrepreneur na si John Regala kasama ang kanyang limang business partners na sina Clair Baniaga, Edwin dela Torre, Dennis Bialen, William Galvan at George Orden.

Ang launching ay gaganapin sa tanggapan ng Project Green Evolution, Inc. na matatagpuan sa Al3 Bldg., 53-2H Visayas Avenue, Quezon City na malapit lamang sa Baliwag Lechon simula ngayong alas-8 ng umaga.

Lahat ng interesadong mag-alaga ng water bonsai plants (ornamental at fruit bearing trees) gamit ang organic root grower ay maaaring magsadya sa tanggapan ng Project Green Evolution.

May tatlo na kaming alagang water bonsai plants ngayon sa loob ng aming bahay na gusto naming paramihin at napakagandang pang-display.

Ang water bonsai organic root grower ay nagkakahalaga ng P200 per sachet at P1,000 per ten sachet na  nakapaloob sa isang mini-box. Ang isang sachet ay katumbas ng tatlong litro ng tubig na siyang gagawing pandilig sa water bonsai plant. Kapag nababawasan ng tubig ay ginagawa naming lingguhan ang pagdilig kaya matagal ang mararating ng isang litro nito.

Sinisimulan namin ito bilang hobby na sa kalaunan ay puwede naming ipangregalo o ibenta sa mga kaibigan at kakilala.

BUREAU OF INTERNAL RE­VENUE

COMISSION ON ELECTIONS

UNUSED CAMPAIGN FUNDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with