Cook book ni Juday napansin sa UK!
Hindi man aminin ni John Lloyd Cruz, namamayani na ang talento niya sa pag-arte hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi maging sa buong Asya na.
Napili siyang Asia Star Awardee sa 15th New York Asian Film Festival (NYAFF) para sa pelikulang Honor Thy Father. Kasama niyang mga awardee sina Miriam Yeung ng Hongkong at Lee Byung ng South Korea.
Dumalo ang Pinoy actor sa nasabing filmfest na kung saan ay lumaban ang movie niya sa mga pelikulang gawa ng China, Hongkong, Japan, South Korea at iba pang mga bansa sa Asya.
Ang iba pang pelikula mula sa bansa tulad ng Hamog (Haze) at Apocalypse Child ay ipinapanood din. Dumalo rin dito ang isa pang kabataang artista, si Therese Teri Malvar, ang napili ng NYAFF bilang isa ring Star Rising Awardee.
Sa pamamayani ng mga pelikula nating lokal sa mga filmfest sa abroad, mukhang ayaw ding magpatalo ng mga maraming artistang Pinoy sa mga pagkilala sa pelikula, TV at maging sa musika rin, at libro!
Si Christian Bautista ay itinampok sa Music Week, isang nangungunang music magazine sa UK. Ang cookbook naman ni Judy Ann Santos ay pumangatlo sa Best Authors & Chefs sa labas ng Europa sa Gourmand World Cookbook Awards.
Bukod sa mga recipe, naglalaman din ang libro ni Juday ng mga praktikal na impormasyon sa pagluluto sa bahay gamit ang mga sangkap na hindi karaniwang ginagamit sa pagluluto, paglalagay sa ayos ng mga hapag kainan at maging ng mga kitchen emergencies. Ang Gourmand Awards ay katumbas ng Oscars na ipinagkakaloob sa mga manggagawa sa pelikula.
Mark nag-iipon na para sa kasal
In two years time ay mag-aasawa na si Mark Herras. Pakakasalan na niya si Winwyn Marquez.
Sa loob ng panahong ito ay umaasa ang binatang aktor na malaki na ang naipon niya na magagamit nilang panimula nila ni Winwyn. Masipag si Mark dahil ayaw niyang paghintayin ng matagal ang nobya niya. Mabait naman ang Kapuso network na patuloy ang pagbibigay sa kanya ng trabaho. Kasama siya sa Sa Piling Ni Nanay at Conan My Beautician.
Coleen nilulubus-lubos na ang pagpapaseksi habang mabenta pa
Wala namang problema kay Billy Crawford ang pagganap ng sexy ni Coleen Garcia sa kanyang mga trabaho.
Hindi naman niya ito pilit na gagawin kung seksi lamang siya at bano umarte. Isang malaking bonus na bukod sa maganda na siya ay marunong pang umarte, mabilis siyang aangat, tulad nang nangyayari ngayon. Kapag hindi na siya mabenta, saka na siya titigil at baka asikasuhin na lang ang pagpapakasal sa nobyo niya.
Thea handa na sa susunod na halikan
Maswerte ang susunod na makaka-kissing scene ni Thea Tolentino, naihanda na siya ni Aljur Abrenica sa ganitong eksena. Bale ang Kapuso actor ang naging una niyang kahalikan at hindi ito nag-iwan ng trauma sa kanya. Mas naging panatag siya at maayos matapos niyang magawa ang eksena.
Sa Once Again ang first kissing scene ng kontrabida ni Janine Gutierrez. Sa una ay nangamba siya pero, madali siyang naalalayan ni Aljur.
- Latest