Mga programa ng Kapamilya, mas tinututukan sa telebisyon at Internet!
MANILA, Philippines - Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa ratings sa telebisyon. Nagtala ng 44% na audience share ang Kapamilya Network ayon sa Kantar Media, habang halos 20 milyon page views din ang nakuha ng mga programa nito sa video streaming website nila na iWant TV noong nakaraang buwan.
Siyam sa Top 10 na programa ang nakuha ng nangungunang media at entertainment company sa Pilipinas.
Hari pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.1%) na patuloy na namamayagpag bilang numero unong programa sa buong bansa mula nang umere ito, at nanguna sa siyam na palabas ng ABS-CBN na pasok sa Top 10 ng mga programa para sa buong buwan. Sinusundan ito ng nagbabalik na The Voice Kids, na humamig ng 36.1% rating, at ng Dolce Amore na may 32.9%. Ang 3-punch combo ng Kapamilya network ay sinamahan sa Top 10 na programa para sa Mayo ng Pilipinas Got Talent (32.8%), Maalaala Mo Kaya (30.1%), TV Patrol (29.5%), Wansapanataym (28.9%), Home Sweetie Home (23.7%), at Rated K (21.2%).
Samantala, numero uno pa rin sa daytime ang Be My Lady (17.4%), habang ang It’s Showtime ay may (18.5%).
Nagningning din ang Kapamilya Gold sa afternoon block na nakakuha ng 46% nationwide rating laban, sa likod ng magandang ratings ng Doble Kara (18.0%) at Tubig at Langis (15.9%). Bukod pa riyan, nakakuha din ng mga all-time high sa ratings sa buwan ng Mayo ang dalawang palabas sa hapon, 18.1% para sa Tubig At Langis at 19.8% naman ang pinakamataas na rating na naitala ng Doble Kara.
Panalo rin ang ABS-CBN sa ibang teritoryo tulad sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila) kung saan pumalo ito sa national average audience share na 47%; sa Visayas sa audience share na 54%; at sa Mindanao na may 54%.
Sa iWant TV naman, humakot ang ABS-CBN ng 19.91 million views para sa buwan ng Mayo, na nagpapaktiang patuloy na nanonood ang mga Pilipino. Ang mga paborito sa primetime na Dolce Amore (4.5 million page views), FPJ’s Ang Probinsyano (2.25 million page views), at Tubig at Langis (1.45 million views) ang ilan sa mga pinakapinapanood na programa sa nasabing website. Ang livestreaming channel ng ABS-CBN sa iWant TV ay nakapagtala rin ng 3.18 million page views.
- Latest