Kaya pala hindi sinagot ni Kristine Hermosa ang inquiries sa kanyang Instagram (IG) sa pinost niyang room for rent ay dahil plugging ‘yun sa bagong sitcom na Hay, Bahay! Sa post ng isang involved sa production ng sitcom, Calle Siete ang sinabi nitong title ng sitcom.
Deleted na ang post at pinalitan ng video plugging nina Kristine at Oyo Boy Sotto sa bagong sitcom na magkasama sila. At kung hindi kami nagkakamali, first show nila ito together. Sa June 19 na ang pilot ng nasabing sitcom na pagbibidahan din nina Vic Sotto at AiAi delas Alas.
Jake gustong pakantahin
Magdiriwang ang fans ni Jake Ejercito kung matutuloy ito sa paggi-guest sa season 2 ng Lip Sync Battle na magsisimula this Saturday. Matagal na raw iniimbita si Jake na mag-guest pero hindi lang nito matanggap dahil madalas siyang nasa Singapore para sa kanyang pag-aaral. Pero ang balita namin, 10 days siyang nasa bansa at dumating ito para dumalo sa premiere night ng Tatay Kong Sexy, ang pelikula ng kapatid niyang si Sen. Jinggoy Estrada.
Si Sandro Marcos na anak ni Sen. Bongbong Marcos daw ng gustong ipareha kay Jake, pero nahihirapan din ang production sa schedule nito.
May mga nag-suggest na kung hindi makukuha si Sandro, subukan na imbitahan sinuman kina Baste Duterte na anak ni incoming President Rodrigo Duterte o kaya’y si Brian Llamanzares na anak ni Sen. Grace Poe.
Puwede rin si Luis Hontiveros na nephew ni senator-elect Risa Hontiveros dahil nagsu-showbiz na yata ang binata.
Thea ang daming naramdaman nang biglang halikan ni Aljur
Hindi makakalimutan ni Thea Tolentino ang Once Again dahil sa teleserye nangyari ang first kiss niya at dito rin siya unang nagsuot ng swimsuit. Pero kahit naasiwa nang kunan ang dalawang eksena, kasama rin ang mga ‘yun sa best scene niya dahil maganda ang kinalabasan at maganda ang feedback ng viewers.
Kuwento nito sa mga reporter na nag-press visit sa taping, hindi niya kinaya ang kissing scene nila ni Aljur Abrenica at one hour bago ito naka-get over. OA na kung OA, pero sabi ni Thea, gusto niyang himatayin sa rami ng naramdaman lalo’t binigla siya ni Aljur.
Doon naman sa swimsuit, pinakiusapan siya ni direk Don Michael Flores kung puwedeng mag-suot nito sa unang eksena niya. Hindi alam ng director at ng staff na kinabahan siya at feeling niya ay hindi niya kaya. Pero nairaos ang eksena at maganda ang kinalabasan.
“Hihingin ko sa production ang swimsuit, itatago ko para remembrance sa first time kong magsuot ng swimsuit sa screen. Kasama rin ako sa pumili noon, kaya memorable sa akin,” wika ni Thea.
Samantala, nagri-ready na si Thea sa pagbabalik-eskwela after tumigil ng three years. Mag-i-enroll siya ng AB Psychology sa Trinity University of Asia at nakiusap sa GMA Artist Center na ayusin ang schedule niya para hindi magka-conflict sa taping schedule ng Once Again.
Patricia tumulak nagsalita na sa namamagitan sa kanila ni Alden
Matatahimik na siguro ang mga nagseselos na fans nina Alden Richards at Maine Mendoza kay Patricia Tumulak na kasama nila sa Eat...Bulaga dahil kahit hindi dapat, sinagot nito ang tanong ng isang AlDub fan sa tsismis sa kanila ni Alden.
“Hindi po kami! Ang tanda ko na girl” ang sagot ni Patricia.
Ikinatuwa ito ng AlDub fans, pero naniniwala kaming hindi pa rin titigil ang bashers.