Magaling na mangingisda ang isang sexy star na matagal nang wala sa kalendaryo ang edad. Mahusay siya sa paggawa ng drama, marami siyang alam na gimik para makuha ang loob ng lalaki, isa siyang magaling na chef kapag may inaasinta siyang motibo.
Mismong mga kaibigan ng nagkakaedad nang babae ang naglalabas ng rebelasyon, alam na alam kuno ng mga ito kapag may bagong pinupuntiryang lalaki ang may edad nang sexy star, luto siya nang luto.
Kuwento ng isang beking nagta-talent manager sa mga nangangarap mag-artista, “Kabisado namin si lola! Kapag inutusan na niyang mamalengke ang maid-of-cotton niya, e, ‘yun na ‘yun!
“Asahan mo nang kinagabihan, e, may darating siyang bisita, sabay silang magdi-dinner, bubusugin niya to-the-max ang guy! ‘Yun ang gimik niya, ipagluluto niya ang lalaki at pagkatapos nu’n, third world war na!
“Magaling siyang mag-asikaso, hari talaga ang turing niya sa lalaki at siya naman ang alipin. Natural, kuhang-kuha niya naman ang guy dahil busog na ang tiyan, busog pa ang libido!” mahabang kuwento ng isang amigang beki ng matanda nang sexy star.
Pero sawain siya, patikim-tikim lang ang lola n’yo, kapag nagsawa na siya ay ibang putahe na naman ang hanap niya. Pero kailangang bagets ang guy, pinakamatanda na ang early 20’s, never siyang makikipagtsuktsakan sa may edad nang katulad niya.
“Ganu’n uli. Masarap kasi siyang magluto, hahanap-hanapin mo talaga ang mga putahe niya. Mistula siyang karinderya na bukas sa maghapon, sa totoo lang!
“Spoiled sa kanya ang mga bagets, lolang-lola talaga ang peg niya, kung ano ang hilig ng bagets, ibinibigay niya! Gusto mo ng menudo, masarap siyang magluto! Gusto mo ng sinigang na ribs, aysus, perfect niyang nailuluto ‘yun!” humahalakhak pang kuwento ng beking amiga ng lola n’yo.
Ubos!
Pagpapakabrusko wala nang talikuran Charice cover ng magazine na panlalaki
Tatahi-tahimik lang si Charice Pempengco pero may niluluto pala siyang bagong rebelasyon. Nalaman namin mula sa kanyang manager na si Jed Velasco na siya ang cover ng June issue ng MEGA Man, sa pinakaunang pagkakataon ay isang babaeng may pusong lalaki ang magiging pabalat ng nasabing magazine, si Charice.
Bagong paghamon ito para sa magaling na international performer, inaasahan na niya ang kaliwa’t kanang komentong ikakambal sa kanyang desisyon, pero mula pa naman nu’n ay kinokompronta na ni Charice ang lahat ng senaryong pinapasok niya.
Pinasok na nga ni Charice ang mundo ng kalalakihan, paninindigan niya ang kanyang ginawa, sasagutin niya ang lahat ng klase ng tanong na ibabato sa kanya sa isang presscon na gaganapin ngayong tanghali.
Ang pagpayag niyang maging cover ng isang panglalaking babasahin ay kakambal ng demokrasyang pinapangarap ng bawat isa sa atin. Hindi nga lang naman sa mundo ng pulitika dapat nababanggit ang demokrasya, sa pang-araw-araw nating buhay ay dapat din nating ikambal ang kalayaan sa gusto nating gawin, basta wala tayong sinasaktan at sinasagasaan.
Ibang-iba na nga ang mundo ngayon ni Charice Pempengco at maligaya siya sa kanyang pagpapakatotoo. Mahirap nga namang magtago sa dilim, mas mahirap magsinungaling sa publiko, lalo na sa ating sarili.
Malayang tao na siya ngayon dahil hindi na siya naninimbang, wala na siyang itinatago, naniniwala si Charice Pempengco na sa pagpapakatotoo lang tayo lubusang makalalaya.