^

PSN Showbiz

The Voice Kids palung-palo sa ratings

Pia Lee-Brago - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinutukan ng mga manonood sa buong bansa ang pagbabalik ng top singing competition sa bansa na The Voice Kids sa pagsisimula ng ikatlong season nito sa ABS-CBN kung kaya’t ito ang naging numero uno noong weekend.

Base sa datos ng Kantar Media, pumalo sa national TV rating na 35.6% ang The Voice Kids noong Sabado (May 28) o halos doble na lamang sa kalabang programa.

Noong Linggo (May 29) naman, nagtala ang The Voice Kids ng 36.6%.

Hindi lang sa TV namayagpag ang pilot episode ng The Voice Kids dahil maging sa online world, pinag-usapan din ang programa sa kanilang pag-aabang ng unang batch ng young artista na magpapabilib sa coaches na sina Lea Salonga, Bamboo, at Sharon Cuneta. Kaya naman ang programa rin ang naging numero unong trending topic at nakakuha ng higit sa 10 sa 20 trending topics sa Pilipinas at worldwide sa Twitter.

Sa pagsisimula ng isa na namang exciting na season ng top-rating at Twitter-trending singing competition, agad na na­ging mainit at matindi ang bakbakan ng coaches sa kanilang pag-aagawan ng artists na mapupunta sa kani-kanilang teams.

Pasok na sa Team Lea o Familea si Eleana, rapper-singer na si Peter, three-chair turner na si Yessha, at musical theater artist na si Noel.

Nakakuha naman ng tatlong artists ang Team Sharon na binubuo ng pinakabatang artist ngayong season na si Iya, ang devoted son na si Timoty, at and kiddie folk dancer na si JP.

Nakuha naman ni Coach Bamboo para sa Kamp Kawayan ang Boracay bandista na si Xylein.

Huwag palampasin ang The Voice Kids tuwing Sabado, 7:15PM at Linggo, 7PM sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

GERMAN CHANCELLOR ANGELA MERKEL

GERMANY

PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with