Baron at Kiko maghaharap sa combat championship!

Naging kontrobersyal ang video ni Baron Geisler at indie actor na si Kiko Matos kung saan makikitang nag-aaway ang dalawa. Nangyari ang gulo sa pagitan ng dalawang aktor sa isang bar kamakailan.

Para kay Kiko ay siya raw ang nasa tamang lugar kaya sinuntok niya si Baron noon. Umakyat daw si Baron sa stage dahil gusto nitong mag-perform pero sinabihan ni Kiko at ng mga kasamahan ng huli na bumaba dahil ginagawa noon ang isang fund raising event. “Me and my friends were telling him to step down. And then on the mic, he told us to get out of the bar. He was saying foul words and we didn’t like it, so I stood up. And when I did that, I got Baron Geisler’s attention. Gusto ko lang ipakita kay Baron na huwag niyang gagawin iyong mga ganoon kaya binigyan ko siya ng isa,” kwento ni Kiko.

Ginawa lamang daw ng indie actor ang nararapat upang malaman ni Baron kung ano ang tama. “I stood for what I think was right and to let him him know na hindi pwede ‘yung pag-aasta niya. Kumbaga, sabi ng mga tao, nakahanap siya ng katapat. Naghanap lang ako ng lakas ng loob para tapatan siya,” paliwanag ni Kiko.

Nakahanda naman daw siyang makipag-ayos kay Baron kung kinakailangan. “I can settle with him peacefully. I can step down and say sorry, but if he’s gonna continue how he acts then I’m gonna let him know, Bro! you gotta change yourself,” giit ni Kiko.

Samantala, naimbitahan ng URCC o Universal Reality Combat Championship sina Baron at Kiko upang magharap at maglaban sa June 25 na pinaunlakan naman daw ng dalawang aktor.

Bayani umaasa sa pangako ni Digong kay Jinggoy

Posible raw na makalaya na si Senator Jinggoy Estrada sa bagong adminitrasyon ni President-elect Mayor Rodrigo Duterte. Ayon ito kay Bayani Agbayani na malapit na kaibigan ng senador. “Sumuporta naman sila kay Digong eh, at pinangakuan sila. Sabi nga raw, ewan ko kung dapat kong sabihin ito ha, sabi raw eh, ‘Ano pang ginagawa n’yo diyan pag-upo ko,’ Sana naman magkatotoo. At siyempre, isa talaga ako sa nananalangin na makalaya na siya. No’ng Christmas eve nga last year, sabi ko nga, sana wala ng Christmas eve tayong pupuntahan dito, sana sa susunod sa labas na tayo,” pagbabahagi ni Bayani.

Naging kaibigan lamang daw ng komedyante si Senator Jinggoy nang makulong na ito. “Actually, hindi ko naman talaga kaibigan si Kuya Jinggoy, no’ng sinama ako ni Tita A (Angge, talent manager ni Bayani) do’n, nakita ko na ang lungkot pala ng buhay ng nakakulong talaga. So ang ginagawa ko, pumunta-punta ako sa Veterans (kung saan unang nakulong si Jinggoy at ang ama niyang si Manila Mayor Erap) araw-araw. Tapos may isang Christmas Eve na sabi ko sa asawa ko puntahan natin si Kuya Jinggoy. ‘Do’n tayo mag-noche Buena sa Veterans.’ Ngayon nang inalis na siya sa Veterans, hindi na ako nagpakita sa kanya. Hinahanap niya ako, bakit daw hindi ako nagpapakita sa kanya. Sabi ko, masaya ka na eh, kaya lang naman ako nagpapakita doon ‘pag alam kong malungkot siya. ‘Pag malungkot kasi ang kaibigan, dapat nando’n ka para sa kanya,” kwento ni Bayani.

Sa ngayon ay kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame si Senator Jinggoy.

Show comments