Nakabalik na ng Pilipinas ang Philippine delegates sa 69th Cannes Film Festival. Magkakasabay na umuwi ng bansa ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann at si Brillante Mendoza, ang direktor ng Ma’Rosa.
Hindi puwedeng magtagal sa France si Jaclyn dahil kailangan siya sa presscon ng A1 Ko Sa’Yo na ginanap kagabi sa 17th floor ng GMA Network Center at sa taping ng The Millionaire’s Wife.
Bago pa nag-win si Jaclyn ng best actress trophy sa Cannes Film Festival, pinapanood na talaga siya sa The Millionaire’s Wife dahil sa kanyang outstanding acting.
Ang The Millionaire’s Wife ang afternoon teleserye ng Kapuso Network na pinagbibidahan nina Mike Tan at Andrea Torres.
At siguradong madaragdagan ang mga acting award ni Jaclyn sa susunod na taon dahil imposibleng hindi ma-nominate sa mga local award giving body ang pagganap niya sa Ma’Rosa.
Mahirap nang mapantayan ang performance ni Jaclyn sa Ma’Rosa dahil ito ang nagbigay sa kanya ng best actress trophy mula sa isang international film festival.
Matalo man ang mga future na kalaban ni Jaclyn, tiyak na hindi sila magrereklamo o magpoprotesta dahil tanggap nila na talagang magaling na aktres ang madir ni Andi.
Jaclyn unang naging bida ng pelikulang tungkol sa live sex performers
Woman of the hour si Jaclyn dahil pati ang mga bagets, nagkaroon ng interes na malaman ang history ng kanyang showbiz career.
Nabanggit ko na kahapon na nagsimula ang showbiz career ni Jaclyn sa Chikas, ang pelikula na pinagsamahan nila nina Tanya Gomez, Lovely Rivero at Rachel Ann Wolfe.
Ang movie production ng mga Pascual ang producer ng Chikas.
Naging bida rin si Jaclyn sa Private Show at si Sixto Kayko ang direktor ng pelikula. Alias lamang ang name na Sixto Kayko dahil sa tunay na buhay, siya si Chito Roño.
Ang Private Show ang unang pelikula ni Chito at tungkol sa live sex show performers ang kuwento ng first starring role ni Jaclyn.
Naging favorite actress ni Chito si Jaclyn kaya nasundan pa ang pagsasama nila sa mga pelikulang Olongapo: The Great American Dream noong 1987 at Itanong Mo Sa Buwan noong 1988.
Si Mark Gil ang leading man ni Jaclyn sa Itanong Mo Sa Buwan at dito nagsimula ang love affair nila.
Pinoy Henyo buhay na naman
Ibinalik na uli ng Eat Bulaga ang Pinoy Henyo na matagal-tagal din na hindi napanood.
Hindi pa rin nagbabago ang pagtanggap ng televiewers sa sikat na game segment ng Eat Bulaga na palaging inaabangan.
Hindi lang ang mga ordinaryong tao ang hooked sa Pinoy Henyo dahil paborito ito ng mga celebrity. Isa si Richard Gutierrez sa mga artista na magaling sa Pinoy Henyo.
Unang transwoman sa kongreso may asawa’t anak na
Ang 1st transwoman house representative na si Geraldine Roman ang guest ni Mareng Winnie Monsod sa episode ng Bawal Ang Pasaway noong Lunes.
Hindi nagkamali ang mga taga-Bataan na iluklok sa puwesto si Mama Geraldine dahil ang husay-husay niya na sumagot.
Obvious na na-impress si Mareng Winnie sa mga sagot ni Mama Geraldine dahil alam nito ang lahat ng isyu.
Type ko na talaga na maging friend si Mama Geraldine na malaki ang future sa politics at public service. Malay natin, baka maging senador siya balang-araw .
Nalaman ko na may asawa at anak si Mama Geraldine. Naiintindihan ko kung sakaling itago niya sa publiko ang kanyang pamilya dahil sa pagpapahalaga ni Mama Geraldine sa privacy.