^

PSN Showbiz

First time na Pinoy ang best actress: Charlize Theron, Marion Cottilard, at Isabelle Huppert tinalo ni Jaclyn Jose sa Cannes!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tungkol sa isang ina na apat ang anak at may-ari ng isang sari-sari store sa isang mahirap na lugar sa Manila ang kuwento ng Ma’ Rosa na para masuportahan ang mga pangangailangan ng anak, nagbebenta rin sila ng kanyang asawa ng droga, pero small time reseller lang. At nang maaresto sila, naging desperado ang buong pamilya at gagawin ang lahat para mabayaran ang kalayaan sa mga kurakot na pulis.

Ito ang kuwentong nagpanalo sa award-winning actress na si Jaclyn Jose sa 69th Cannes International Film Festival ng best actress trophy. Pinataob niya ang mga Hollywood actress na sina Charlize Theron (The Last Face directed by Sean Penn (US),  Marion Cotillard (From the Land of the Moon directed by Nicole Garcia (France), at Isabelle Huppert (Elle directed by Paule Verhoeven).

Si Ms. Jaclyn din ang kauna-unahang Filipino actress na nanalo ng award sa prestigious na Cannes sa France.

Dinirek ang pelikula ni Brillante Mendoza na nauna nang nanalo ng best director noong 2009 para sa pelikulang Kinatay sa Cannes.

 “I don’t know what to say. I am so surprised. I just went to have the red carpet walk with my daughter—my real life daughter and my daughter in the movie. Thank you to Cannes. Thank you to the jury. Thank you to Mr. Brillante Mendoza. I was just following whatever he’s saying and telling me to do. He is such a brilliant director in the Philippines. I would also like to share this recognition  to all the Filipinos who are here now, to my daughter, to Brillante, to my countrymen, to the Philippines,” sabi niya sa kanyang speech.

Kasamang umakyat sa stage ni Jaclyn ang anak na si Andi na naiyak din sa natamong karangalan ng ina. Nauna nang nakasama si Andi sa Vanity Fair’s Best Dressed sa ginanap na photo call at press conference ng Cannes. Kitang-kita sa mga litratong naglabasan na umiiyak si Andi sa pagkapanalo ng ina.

“FILIPINO PRIDE, MA’ ROSA HERSELF, WINS BEST ACTRESS AT THE CANNES FILM FESTIVAL! CONGRATULATIONS TO MY MOM, THE JACLYN JOSE!!!, tweet ni Andi.

Nauna nang sinabi ni Direk Brillante na base sa tunay na buhay ang kuwento ni Ma’ Rosa. At meron siyang personal encounter sa real character ng pelikula four years ago.

Ngayong araw nakatakdang dumating ang aktres sa bansa na kasalukuyang kasama sa Kapuso afternoon series na The Millionaire’s Wife at bibida siya sa sisimulang sexy comedy sitcom ng network na A1 Ko Sa’yo!, na magsisimulang mapanood sa June 2.

Huradong Danish actor idinipensa ang panalo ni Jaclyn

May ilan nga palang nag-react sa pagkapanalo ni Jaclyn dahil lumalabas na suporta lang daw ang role niya sa pelikula ayon sa isang website, pero agad namang dumepensa ang Danish actor na si Mads Mikkelsen na isa sa mga juror na :  “We found her to be a wonderful leading actress, a master of her skills. It was not a supporting character.”

Ang iba pang members ng jury include Laszuo Nemes, Vanessa Paradis, George Miller, Kirsten Dunst, Valeria Golino, Mads Mikkelsen, and Katayoon Shahabi.

Maging ang Variety Magazine ay pinuri ang kanaturalan ng acting ng nanay ni Andi.

Laman ng lahat ng malalaking news websites si Jaclyn sa kanyang pagkapanalo kung saan naungkat na sa mga story ang tungkol sa anak ni Andi na umano’y hindi nakilala ang ama dahil hindi pa inilalabas ang resulta ng DNA test ng bata.

Maging sa Vogue.com ay malaking story ang mga nanalo sa 69th Cannes na kilala sa pagpili ng mga unpredictable na winners.

Bukod sa maraming Pinoy na gustong mapanood ang Ma’Rosa, hinihintay din kung mapapasali sa Oscars  ( Best Foriegn Laguage Film Category) ang pelikula.

Ayon nga pala sa website ng Cannes, out of competition ang pelikulang Café Society starring Kristen Stewart and directed by Woody Allen.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with