Andi nangabog sa Cannes, Julia Roberts, Eva Longoria, Kristen Stewart ka-level sa best-dressed

MANILA, Philippines - Ang bongga ni Andi Eigenmann. Ka-level lang naman niya sa pagiging Vanity Fair’s Best-Dressed Celebrities sa ginaganap na 2016 Cannes International Film Festival sa France sina Kristen Stewart, Eva Longoria, Kate Moss, Kendall Jenner, Blake Lively, and Julia Roberts.

Ito ‘yung white jumpsuit na pinintasan ng ibang Pinoy netizens na suot ni Andi sa photo call and press conference ng Cannes kung saan kasali ang pelikula nilang Ma’ Rosa. Pero sa international fashion pala, benta ‘yun. Ang jumpsuit ay gawa ng Pinay na designer na si Patty Ang.

Eh si Maria Isabel Lopez nganga kahit todo ang pagrampa niya sa red carpet suot ang green gown.

Boom Sason gown naman ang suot ni Andi sa red carpet.

Magaganap ang awards night ng 2016 Cannes bukas, May 22, Philippine time.

So abangan natin kung aagaw ng pansin ang gown na isusuot ni Andi.

Sino ang tatanghaling ika-limang Pilipinas Got Talent grand winner?

Tunghayan ang pinakamatinding sagupaan ng pinakamahuhusay na talent sa bansa ngayong Sabado (May 21) at Linggo (May 22) sa inaabangang grand finals ng Pilipinas Got Talent na gaganapin live sa SM Mall of Asia Arena.??

Labin-dalawang kalahok ang magpapasiklaban para tanghaling ikalimang grand winner at mapanalunan ang P2 milyon na jackpot.

Mas angat ngayong season ang mga dancer group dahil lima sa kanila ang bumubuo sa Top 12 na kinabibilangan ng Crossover Family, Mastermind, Sto. Tomas Bulilit Generation, Power Duo, at Power Impact Dancers.?? Hindi naman magpapahuli ang mga singer dahil pasok din ang all-male singing group na Next Option, kiddie rock band na The Chosen Ones, at young singer na si Kurt Philip Espiritu na susubukang kunin ang boto ng mga manonood gamit ang kanilang musika.

Kakaibang galing naman ang handog ng natitirang finalists na kinabibilangan ng motocross performers na UA Mindanao, fire dancer na si Amazing Pyra, magician na si Ody Sto. Domingo, at all-male acrobat group na Dino Splendid Acrobats.

Noong semi-finals, sinala ang mga kalahok base sa napili ng publiko at ng judges.

Para sa final showdown, hihiraning grand winner ang makakakuha ng pinakamataas na combined votes mula sa publiko at judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, and Vice Ganda.?

Maaring bumoto sa pamamagitan ng text o online via Google. Para bumoto, i-text ang PGT (space) PANGALAN NG CONTESTANT at ipadala sa 2366. Isang boto lang ang tatanggapin bawat SIM card.

Sino ang susunod na PGT Grand Winner at makakasama sa hanay nina Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Maasinhon Trio, at Roel Manlangit??? Panoorin ang final performance night ng Pilipinas Got Talent ngayong Sabado (May 21), pagkatapos ng Home Sweetie Home, at alamin kung sino ang ikaapat na PGT grand winner na itatanghal sa final results night sa Linggo (May 22), 7:45 p.m. pagkatapos ng Wansapanataym, live mula sa SM Mall of Asia Arena sa ABS-CBN at ABS-CBN HD, i-follow ang @officialPGT5 sa Instagram at Twitter o i-like ang www.facebook.com/officialPGT sa Facebook. 

Show comments