Hindi tumuloy kahit may kontrata na Kapamilya actor dalawang beses pinaasa ang GMA
Hindi na naman natuloy ang paglipat ng isang Kapamilya actor sa GMA 7 dahil muli siyang napigilan at nagbago ng isip.
Nakapirma na ng kontrata sa GMA 7 ang Kapamilya aktor pero ayaw nang maghabol ng Kapuso Network dahil ang aktor naman daw ang lumapit sa kanila through his manager. Saka, program contract ang pinirmahan ng aktor na ang ibig sabihin ay para sa isang show lang.
Nangyari siguro ang pirmahan ng kontrata noong Holy Week kaya hindi ito nabalitaan.
May nakahanda na raw show para sa aktor kung natuloy ang paglipat niya, kaso nga ay nagbago na naman ang isip nito.
Kung hindi kami nagkakamali, second time nang nabalitang lilipat sa GMA 7 ang aktor pero laging nabubulilyaso.
In fairness, may show sa ABS-CBN ang aktor kaya pinagtatakhan kung bakit binalak nitong lumipat sa GMA 7.
Nora matapang sa pagiging whistleblower
Pumayag si Nora Aunor na alisin ang suot na cap sa presscon ng Whistleblower, pero iniharap nito sa camera ang inalis na cap na may pangalan ni Sen. Grace Poe. Hindi na raw siya kailangan pang tanungin siya kung sino ang kanyang susuportahang presidente dahil obvious naman daw ito.
Matapang ang mga pahayag ni Nora sa presscon tungkol sa gobyerno, kasing tapang ng character niya sa Whistleblower bilang si Zeny Roblado na isiniwalat ang mga nalalaman sa maling ginagawa ni Lorna (Cherry Pie Picache). Paniwala ng press people at mga nakapanood na ng pelikula, si Nora si Benhur Luy ni Janet Napoles.
Ang ganda ng ending ng pelikula na ipinakitang iyak nang iyak si Nora, kabaligtaran sa ending ng pelikula niyang Hustisya na tawa siya nang tawa.
Nabanggit ni Mr. Tony Gloria ng Unitel na producer ng Whistleblower, kaya naurong ang playdate ng movie dahil sinadya nilang ipalabas ito kung kailan malapit na ang eleksyon.
Sa direction ni Adolf Alix, Jr., ang Whistleblower para sa amin ang best movie na ginawa niya. Kumpleto rekados ito kumbaga, mula sa music, editing, cinematography, at siyempre ang mahuhusay na cast.
Gusto namin ang ginawa ni direk Adolf na nabigyan ng moment ang lahat ng cast pati ang guest stars. Walang nasayang na artista sa Whistleblower at malalaman n’yo ito kung panonoorin ang movie sa April 6.
Louise maaabsuwelto na sa pangungutya ng fans nina Alden at Maine
Hindi na tatawaging artistang walang show si Louise delos Reyes dahil may bagong trabaho ang aktres. Siya ang bida at title role sa bagong Afternoon Prime ng GMA 7.
Hindi pa lang siguro final ang title na Ang Boyfriend Kong Duwende.
Si Juancho Trivino ang kapareha ni Louise sa teleserye at sana lang, walang maging kakabit na intriga at kontrobersya ang pagtatambal nila gaya sa nangyari sa kanila ni Aljur Abrenica. Nagbabalik Kapuso si Assunta de Rossi na kasama sa cast.
Mark, Derrick, at Kristoffer ipinagdarasal na makasama si Nora kahit walang TF
Ipagdarasal siguro nina Mark Herras, Derrick Monasterio, at Kristoffer Martin na matuloy at hindi sila mapalitan sa cast ng indie film na Nympho na pagbibidahan ni Nora Aunor.
Nasabihan na raw ang tatlong aktor na kasama sila sa cast at ewan kung nagbibiro ang sinabing payag silang masama sa cast kahit walang talent fee.
- Latest