Kabilang si Sarah Geronimo sa tinatawag ngayon na New Pinoy Movers ng Rexona, na ibig sabihin ay nagtataglay siya ng isang kalidad ng buhay na nag-iimpluwensiya at ginagaya ng marami. At sila rin ang tipo ng mga Pinoy na hindi mapipigil para maabot ang kanilang mga pangarap para magsilbing inspirasyon sa mas nakararami.
Ngayon nga ay balitang babalikan ni Sarah ang eskuwelahan.
Ito ay kahit siya ang nag-iisang Philippine Pop Royalty. Na kung tutuusin ay ‘di na kailangan ang diploma.
Sa kanyang 13 years na career, 10 Awit awards na ang kanyang natanggap. Anim sa Aliw Awards, 23 MYX Music Awards (the most in the awards history). Also globally renowned, she has received the Best Asian Artist at the Mnet Asian Music Awards in 2012, Best Southeast Asian Act at the MTV Europe Awards in 2013 and Best Selling Philippine Artist of the Year at the World Music Awards in 2014.
Idagdag pa ang countless endorsements niya.
But, more than her various accolades, this New Pinoy Mover is also a Goodwill Ambassadress for Music of the National Commission for Culture and the Arts .
Isama pa ang husay niya sa aktingan sa kanyang blockbuster films. And even with all her accomplishments, hindi tumitigil si Sarah to push forward and keep moving at ngayon nga balitang itutuloy niya ang pagko-kolehiyo na nasimulan sa Open University ng UP.
Masasabi ngang ‘move to be the best’ si Sarah.
Kabilang din sa New Pinoy Movers si Rachelle Ann Go na nagpursige para matupad ang kanyang mga pangarap.
Rachelle Ann’s love for music started since she was young and carried through her adulthood.
Kaya naman hindi siya nagpapigil sa pagsali sa singing contest hanggang tanghalin siyang champion sa Search For A Star. At doon na nag-umpisa ang lahat. Inalagaan na siya ng Viva Artists Agency (VAA) na pinamumunuan ni Ms. Veronique del Rosario-Corpus.
She has released several albums, starred sa iba’t ibang plays sa bansa pero currently focused on her Broadway career.
Noong 2014, this New Pinoy Mover was cast to play Gigi Van Trahn on the West End revival of Miss Saigon. Hanggang mapisil siya sa role ni Fatine sa Les Misérables for 30th anniversary na ngayon ay napapanood natin sa bansa.
At masasabing hindi talaga tumigil si Rachelle, inabot niya talaga ang kanyang pangarap.
Ilan lang sina Sarah and Rachelle Ann sa New Pinoy Movers.
‘Di muna namnamin ang pagiging Miss U, Pia ang bilis ma-fall!
Nasa bansa pala si Miss Universe Pia Wurztbach. Wala nang masyadong ingay ang pagbabalik-bayan niya.
Tiyak pinalilipas lang niya ang Kwaresma at magsasalita siya sa local media tungkol sa sinasabing ‘relasyon’ nila ng doctor na si Mikhail Varshavski na mas kilalang ‘hot doctor of Instagram.’
Inamin niya sa programang Extra sa America ang tungkol sa ‘dating’ stage nila ng doctor matapos niyang maunang i-post sa kanyang social media account na in a relationship siya sa doctor na pinagbibintangan ng iba niyang followers na ginagamit lang siya.
Nauna na rin inamin ng doktor sa isang interview na exclusively dating nga sila.
Sabi nga nila, parang ang bilis namang mag-fall ni Pia. Bakit naman hindi na lang muna niya namnamin ang pagiging Miss Universe na matagal na naging mailap sa Pilipinas bago siya makipag-dyowa.
Baby Z pinektorial sa beach, nina Marian at Dingdong
Ang super-duper cute ni Baby Z, ang anak ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera.
Ibineyahe ng mag-asawa ang anak sa Busuanga, Palawan at saka piniktyuran sa beach. Pagkagandang bata. Eh happy baby pa naman siya base sa mga photos na inilalagay ni Marian sa kanyang Instagram account.
“I fall in love with you more and more everyday, anak. Haaaay. #priceless,” posted ni Marian.
Umabot sa halos 122K ang likes at santambak ang comments.