^

PSN Showbiz

Panday ni Richard nagpa-impress sa rating

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wow umabot sa 5% ang rating ng Ang Panday nang umere ito last Monday night ayon sa overnight survey ng Kantar Media. In all fairness, inabangan ng fans ni Richard Gutierrez.

Matagal din kasing nawala sa ere si Richard kaya siguro nasabik ang fans niya.

Maging ang Bakit Manipis ang Ulap? ay umangat na rin ang rating base sa nasabing survey.

Pareho ring pinag-uusapan sa social media ang dalawang bagong programa ng Viva sa TV5.

Cherry Pie adik sa pagluluto

Nasa UP Town Center na rin ang Alab Restaurant na ang isa sa mga may-ari ay ang magaling na actress na si Cherry Pie Picache na tumatak bilang Tita Jack - tita ni Clark (James Reid) at nanay ng ex (Albie Casiño) ni Leah (Nadine Lustre) sa matagumpay na seryeng On The Wings of Love na nagtapos noong Biyernes.  Aminado si Pie na passion niya talaga ang pagluluto kaya naman tinawag nilang Alab ang nasabing restaurant na itinayo kasama ang kilalang si Chef Tatung.

Sa Morato Area in Quezon City sila unang nagbukas ng Alab pero malakas ang demand kaya naman nagbukas sila ng ikalawang branch.

Pawang Filipino food ang specialty nito at ang karamihan ay hindi raw makikita sa ibang Pinoy restaurant. “I’ve always been a fan of good food, especially Filipino food. And when I went into this partnership for Alab, I made sure that no matter how difficult it is to cope with my schedule, I see to my daily responsibilities here without fail,” sabi ni Pie nang magkaroon ng press launching ang bagong bukas na Alab sa UP Town.

Dagdag niya : “Alab isn’t your typical Filipino restaurant in the sense that what we have here, although familiarly named are dishes, have been researched thoroughly and can truly claim to be indigenous to communities across different regions across the Philippines.”

Kuwento pa ng aktres, ang pianggang na isang Tausug dish ng Mindanao ang isa sa dishes na sa restaurant lang nila ang nagse-serve kaya naman dinarayo ng marami.

“We also have Penuneng from the Ilocanos, which is actually a kind of blood sausage they make there, as well as Sugpo sa Palapa from the Maranaos, using their traditional spice mix made with sakurab [a kind of shallot from Mindanao], and enriched with crab fat.

“We also have a very good array of desserts like New York Cubao cheesecake and a different line of ice cream like laing ice cream,” pahayag niya. Ngayong summer ay mag-o-offer din daw sila ng pakwan ice cream.

Naniniwala si Pie na hindi siya nilulubayan ng kanyang ina na walang awang pinaslang sa kanilang bahay kaya napagsasabay niya ang pagnenegosyo at pag-aartista.

Dumating sa opening sa UP Town ang mga kasama niya sa OTWOL na sina Albie Casiño (gumanap na anak niya), Ysabel Ortega, and Direk Antonette Jadaone with boyfriend Dan Villegas.

Tonton lalabas na sa Amboy

Papasok na sa kuwento ng That’s My Amboy ang karakter na gagampanan ng versatile actor na si Tonton Gutierrez. Kaabang-abang at very interesting ang kanyang role bilang si Albert Romero, dating matinee idol na nagbabalik showbiz ngayon. Isa siyang ladies’ man na walang sineryoso at pinakasalang babae. May connection ang kanyang role sa mga karakter nina Donita Rose (Cecil) at Barbie Forteza (Maru). Kung ano ang konek nila, ‘yan ang dapat subaybayan sa That’s My Amboy sa GMA! 

Pero paano na kaya ang character niya sa You’re My Home ng ABS-CBN? Gumaganap siyang ama ni JC De Vera sa nasabing serye ng Kapamilya Network.                                                   

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with