Parang naging tatak na ng isang magandang young actress ang pagpapaikot sa mga lalaking nagpaparamdam ng pagkagusto sa kanya. Paasa, ganu’n kung ilarawan ng marami ang young actress, nu’ng minsan nga ay pinagpistahan pa ang pagiging bilmoko girl daw niya.
May bagong nagkakagusto sa young actress, panay-panay ang pagpapadala nito ng bulaklak at regalo sa kanya, ayon sa ilang miron ay swak na swak ang pagiging generous ng guy sa katangiang hinahanap ng girl.
“Nakakatakot lang, baka kasi lumalim nang lumalim ‘yung guy, tanggap nang tanggap ng mga gifts niya ang girl, pero wala naman pala siyang maaasahan sa bandang huli?
“Nakakaawa naman ang lalaki kung ganu’n. Nagastusan na siya, e, nabasted pa! Sanay na kasi sa ganu’n ang girl, isa lang ang sinasabi ng kampo ng mga naging ex niya, mahilig siyang magpaasa,” kuwento ng aming source.
Sana nga ay walang katotohanan ang mga kuwentong umiikot tungkol sa pagiging paasa ng young actress. Sana nga, kaya niya tinatanggap at ipino-post pa nga sa kanyang Instagram ang mga regalo ng young actor na may gusto sa kanya ay dahil gusto rin niya ito, hindi basta pinaaasa lang.
“Sana nga! Dahil kung hindi niya type ang guy, huwag na lang sana siyang tumatanggap ng gifts! Nanay ko po! ‘Yun lang ang masasabi ko!” pagbibigay pa ng clue ng aming impormante.
Ubos!
PSN waging Best Tabloid Newspaper sa Gawad Tanglaw!
Pagkatapos ng mahabang diskusyon at deliberasyon ng mga opisyales at miyembro ng Gawad Tanglaw ay inilabas na ng grupo ang mga karapat-dapat parangalang personalidad sa larangan ng pelikula, telebisyon, radyo at panulat para sa taong ito.
Nasa ika-14 taon na ngayon ng pagbibigay-papuri ang Gawad Tanglaw sa mga personalidad at proyektong inuupuan talaga nila para panooring isa-isa.
Kung saan at kailan gaganapin ang gabi ng parangal ay malalaman agad mula sa mga opisyales, kung sinu-sino ang mga nanalo ay narito ang kanilang opisyal na listahan, maligayang bati sa lahat ng mga nagwagi sa Gawad Tanglaw na binubuo ng mga akademisyan.
PRINT (Panulat)--Best Magazine (fashion, style) Garage, (Best Newspaper (Broadsheet) Philippine Daily Inquirer, Best Newspaper (Tabloid) Pilipino Star Ngayon, Best Newspaper Columnist (Opinion) Ambeth R. Ocampo “Looking Back” (PDI), Best Entertainment Columnist (English) Ricky Gallardo (Business Mirror)-(To be elevated to the Hall of Fame) and Ethel Ramos (People’s Journal ), Best Entertainment Columnist (Filipino) Alwyn Ignacio (Abante Tonite) and Cristy S. Fermin (Bandera, Bulgar, Pilipino Star Ngayon)-(To be elevated to the Hall of Fame), Special Award: (Natatanging Gawad Tanglaw Sa Sining ng Panulat) Gilda Olvidado.
RADIO (Radyo)--Best Radio DJ DJ Chacha (Tambayan 101.9), Best Radio Anchor (Male), Nino Padilla “Barangay RH” (DZRH), Best Radio Anchor (Female) Kaye Dacer (Aksyon Ngayon DZMM), Best AM Station DZRH Nationwide, Best FM Station Love Radio (90.7), Radio Station of the Year DZMM-AM (630), Special Awards: (Natatanging Tanglaw ng Bayan sa Sining ng Radyo) Usapang Kapatid DZMM Teleradyo, (Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Radyo) Rey Langit.
TELEVISION (Telebisyon)--Best News Program State of the Nation (GMA News TV), Best News Program Anchor (Male) Noli De Castro (TV Patrol ABS-CBN), Best News Program Anchor (Female) Luchi Cruz Valdes (Aksyon Prime TV5), Best Business Program On The Money (ANC), Best Lifestyle Program Greenliving (ANC), Best Sports Program Hardball (ANC), Best Educational Program History With Lourd (TV5), Best Public Affairs Program Reaksyon (TV5), Best Public Service Program My Puhunan (ABS-CBN), Best Documentary Program Investigative Documentaries (GMA News TV), Best Investigative Program Scene of the Crime Operatives (SOCO) (ABS-CBN), Best Comedy Show Home Sweetie Home (ABS-CBN), Best Morning Program Unang Hirit (GMA 7), Best Game Show Celebrity Playtime (ABS-CBN), Best Variety Show ASAP (ABS-CBN), Best Entertainment Talk Show MARS (GMA News TV), Best Talk Show (Opinion) Headstart With Karen Davila (ANC), Best Magazine Show I-Juander (GMA News TV), Best Reality/Talent Show Your Face Sounds Familiar (ABS-CBN), Best Drama Anthology Magpakailanman (GMA-7), Best TV Series Ang Probinsyano (ABS-CBN). Best Performance by an Actor (TV Series ) Paulo Avelino (Bridges Of Love ABS-CBN) and Coco Martin (Ang Probinsiyano ABS-CBN), Best Performance by an Actress (TV Series) Jodi Sta. Maria (Pangako Sa ‘Yo ABS-CBN) and Julia Montes (Doble-Kara ABS-CBN), Best Single Performance by an Actor Alden Richards (The Alden Richards Story-Magpakailanman GMA 7) and Gerald Anderson (Class Picture-Maalaala Mo Kaya ABS-CBN), Best Single Performance by an Actress Angel Aquino (Medical Record-Maalaala Mo Kaya ABS-CBN), TV Station of the Year ABS-CBN.
Special Awards: (Developmental Communication Award for Comprehensive Coverage) 2015 FIBA ASIA Championship (Sept.23-Oct. 3, 2015) (AksyonTV-41), (Natatanging Gawad sa TV-Komersyal) LUCKY ME Kainang Pamilya Mahalaga (The Most Disturbing Dinner) Monde Nissin Corporation, Natatanging Gawad sa TV-Edukasyon) Nathaniel (ABS-CBN), Natatanging BATA (Bibo, Aktibo at Talentadong Anak ng Sining) Marco Antonio Masa (Nathaniel ABS-CBN), (Natatanging Tanglaw ng Kabataan sa Sining ng Telebisyon) Alden Richards and Maine Mendoza (Kalyeserye-Eat Bulaga GMA-7), (Natatanging Gawad Tanglaw Sa Sining ng Telebisyon) Antonio P. Tuviera, Executive Producer-Television And Production Exponents (TAPE) Inc..
FILM (Pelikula)--Best Editing Benjamin Tolentino (Water Lemon), Best Musical Scoring Erwin Romulo (Honor Thy Father), Best Production Design Joey Luna (Kid Kulafu), Best Cinematography Pong Ignacio (Heneral Luna), Best Story Lilit Reyes (Water Lemon), Best Screenplay Michiko Yamamoto (Honor Thy Father), Best Director Erik Matti (Honor Thy Father), Best Film Honor Thy Father (Reality Entertainment), Best Supporting Actor JM De Guzman (Imbisibol), Best Supporting Actress Pilar Pilapil (Etiquette For Mistresses) and Meryll Soriano (Honor Thy Father), Best Actor John Lloyd Cruz (Honor Thy Father), Best Actress Tessie Tomas (Old Skool). Special Awards: (Students’ Choice Award for Best Film) Heneral Luna, (Special Jury Prize for Film) Imbisibol, (Gantimpalang Dr. Jaime G. Ang Presidential Jury Award for Film) John Arcilla, (Gawad Dr. Romeo Flaviano L. Lirio Para sa Sining at Kultura) Eva Darren, (Natatanging Gawad Tanglaw Sa Sining ng Pelikula) Joonee Gamboa.
(Wow. Maraming salamat sa Gawad Tanglaw. At congrats po sa lahat ng mga nanalo. Nay Cristy, congrats. – SVA)