Ang phenomenal star na si Maine Mendoza ay masasabing nasa isa sa pinaka-exciting na bahagi ng buhay niya ngayon. Nagsimulang makilala si Maine sa kalagitnaan ng taong 2015 at simula noon, hindi na nga matatawaran ang kasikatan ng dalaga.
Isang pangarap lang dati kay Maine ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.
“Never kong inakala na makararating ako sa lugar na ‘to. I am doing what I really want to do and I am very thankful because of that.”
Ang pagiging YouTube sensation ni Maine ang unang naging daan para mapansin at makapasok siya sa Eat Bulaga at makilala at minahal ng buong bansa o buong mundo nang magsimula ang “love story” nila ni Alden Richards sa kalyeserye.
Sa pagiging in demand, alam na rin ni Maine na hindi rin daw ito ganoon kadali, “Not as easy as I thought it was,” pag-amin niya.
“I must admit that it is physically-tiring but I am humbled and really thankful that there are fans who support me and to me that is the best part of the job.”
Simula nang sumikat, halos si Maine na ang laman ng lahat ng mga magazine covers kung saan, nakakapag-experiment pa siya ng iba’t ibang fashion and styles. At walang-duda, si Maine rin ang naging isa sa pinakapaboriting celebrity endorser—sa mahigit anim na buwan lang niya sa showbiz! At isang bagay ito na talagang sineseryoso at pinaniniwalaan ni Maine.
Sabi nga ni Maine, “I have to set an example because of all the personalities that we have, they still chose me to represent their product.”
May sarili rin “rules” si Maine sa pagpili at pagtanggap ng mga produktong ieendorso niya. Aniya, “I should make sure that the products I endorse are of high quality because I know that having me as their endorser will affect people’s choices.”
Kaya ganun na lang ang tuwa at pagmamalaki ni Maine nang malaman niyang siya ang napili ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino na maging celebrity endorser.
“I got excited because this is another blessing and opportunity for me,” pag-amin niya.
Isang malaking factor kay Maine sa pagtanggap niya sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino na i-endorso ay ang katotohanan na noon pa man, isa na siyang “fan” ng naturang brand ng tocino na gawa sa young pork at walang salitre.
Ayon kay Maine, “Kumakain na talaga ako ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino so super excited ako to do the project.”
Ang paniniwala niya sa produktong ineendorso ang isa sa dahilan kung bakit naging magaan at masaya ang pagsu-shooting niya raw ng TV commercial nito na ngayon ay kasalukuyan na ngang napapanood sa telebisyon.
“Yung shooting was quite an experience for me dahil ang dami kong emosyon na kailangang ipakita sa isang commercial lang. Kailangan kong umarte na seryoso, fierce, heart-broken at iba pang emosyon. Pero syempre, I have my favorite part. The consumption scene!
“Finally, I was able to express the real me, kengkoy and fun. Fantastic baby pa more!,” natatawa niyang sabi.
At bonus daw yung mga yun para sa katulad niyang wala masyadong oras para sa kusina.
Dugtong pa ni Maine, “CDO Funtastyk Young Pork Tocino has low shrinkage when cooked compared to other brands with high shrinkage. ‘yung iba, sobrang lumiliit kapag niluluto. Turn off.”
Sa isang banda, inihahalintulad ni Maine ang love niya sa bagong endorsement sa isang young love. Aniya, “The beauty of young love is pure and carefree. You enjoy and be yourself without any worries. Parang fun and puro good vibes lang.”